BUHAY

Ang buhay ay parang gulong, Ang sabi nga nila iyon, Ito’y daluyan ng layong, Daang parito’t paroon. Kung ika’y nagmamataas, Hindi mo hawak ang bukas, May nagbabantay sa itaas, At ibagsak ka ng wagas. Kung ika’y nagpakababa, Huwag kang mababahala, Mayroong isang Bathala, Na sa iyo’y magpapala. Hindi sapat ang kayamanan, Upang may mapatunayan, Diyos…


Ang buhay ay parang gulong,

Ang sabi nga nila iyon,

Ito’y daluyan ng layong,

Daang parito’t paroon.

Kung ika’y nagmamataas,

Hindi mo hawak ang bukas,

May nagbabantay sa itaas,

At ibagsak ka ng wagas.

Kung ika’y nagpakababa,

Huwag kang mababahala,

Mayroong isang Bathala,

Na sa iyo’y magpapala.

Hindi sapat ang kayamanan,

Upang may mapatunayan,

Diyos lang ang kailangan,

Nang buhay may katunguhan.

By: Anita R. Catain