BUHAY

       “ Ang buhay ay parang isang awit na nagpapahayag ng iba’t ibang karanasan, pangyayari, hinaing, pangarap at iba’t ibang uri ng damdamin, malungkot, masaya na may iba’t ibang tono.” “Ang buhay ay gaya rin ng bahaghari na binubuo ng iba’t ibang kulay na sisimbolo ng iba’t ibang uri ng karanasan at damdamin.” …


       “ Ang buhay ay parang isang awit na nagpapahayag ng iba’t ibang karanasan, pangyayari, hinaing, pangarap at iba’t ibang uri ng damdamin, malungkot, masaya na may iba’t ibang tono.” “Ang buhay ay gaya rin ng bahaghari na binubuo ng iba’t ibang kulay na sisimbolo ng iba’t ibang uri ng karanasan at damdamin.”  “Ang buhay ay gaya rin ng buto ng ampalaya naaking pinatuyo bago itinanim,diniligan, nilagyan ng pataba at nang ito’y lumaki ay nagbunga ng pagkarami-rami at matatabang bunga na maraming nabiyayaan hindi lamang sa aming pamilya, kapitbahay, kamag-anak at ibang tao na nanghingi at nasiyahan sa dulot niyang sustansya.” At ang tatlong ito: awit, bahaghari at buto ng ampalaya ay  waring nagpapahayag sa buhay na “Huwag mawalan ng pag-asa.”

        Kahit pa minsan, sa buhay, ang hirap malaman kung sinu-sino ang dapat pagtiwalaan at sabihan ng iba’t ibang bagay ngunit sa tulong at gabay ng Diyos, ipakikilala Niya sa atin ang mga taong dapat nating pagtiwalaan at tunay na magmamalasakit sa atin at maghahandog ng kanilang pagdamay nang walang halong pagkukunwari sa kabila ng mga komplikadong sitwasyon.  Sabi nga sa awitin, “GOD WILL MAKE A WAY.”  At kahit ang ating Panginoong Hesus ay nakaranas din ng pagkakanulo ng Kanyang mga apostoles at mga taong pinakain at pinagaling at nag-isang nagtiis ng kahirapan sa Banal na Krus ngunit sa tulong ng Amang Diyos ay nakayanan ang lahat. Makakayanan din nating mga taong nakakaranas o makakararanas ng pagkakanulo ang lahat kung ating tutularan ang ating Panginoong Hesukristo sa Kanyang matinding pananalig sa Amang Diyos at tayo’y lubos at buong puso at pag-iisip na pagtitiwala sa Kanyang Dakilang Kapangyarihan. Kaya nga, dapat din nating aalay sa ating Panginoon ang lahat ng mayroon tayo sa ating buhay, pamilya, kaibigan, trabaho, pinagtatrabauhan, ka-trabaho, ari-arian, problema, kaligayahan, magagandang pangyayari sa ating buhay at sa bandang huli ay masambit din natin ang isa sa huling pitong wika ng Panginoong Hesus nang Siya ay nakabayubay sa Kanyang Banal na Krus na “AMA, SA IYONG MGA KAMAY, INIHAHABILIN KO ANG AKING KALULUWA!”

By: Marla Aileen D. Maglente | T-III | Oarni National Highschool main


Previous