“Buhay at Pag-asa sa Likod ng Pandemya”

Kahirapan, pagkagutom, takot at pagkabalisa. Mukha ng isang bansang ginulat ng matinding sakuna. Kaliwa’t kanang iyakan, Nakakabinging katahimikan, Sa minsa’y maingay at masayang lansangan. Sa likod ng takot na mamamayan, Sumibol ang isang kabayanihan. Mga bagong bayaning anding makipaglaban sa isang sakit na traydor kung lumaban. Hindi alintana ang panganib na susuongin sa bawat lansangan,…


Kahirapan, pagkagutom,

takot at pagkabalisa.

Mukha ng isang bansang ginulat ng matinding sakuna.

Kaliwa’t kanang iyakan,

Nakakabinging katahimikan,

Sa minsa’y maingay at masayang lansangan.

Sa likod ng takot na mamamayan,

Sumibol ang isang kabayanihan.

Mga bagong bayaning anding makipaglaban sa isang sakit na traydor kung lumaban.

Hindi alintana ang panganib na susuongin sa bawat lansangan,

Upang tulong maipaabot sa hinagupit na kababayan.

Mga ngiting unti-unting nanunumbalik.

Takot ay napalitan ng pag-asa para sa panibagong bukas.

Kapit-kamay ang buong Bansa sa iisang laban;

“Pandemya ay wakasan at isulong ang makabagong Bayan”.

By: Enriqueta G. Uman|Teacher III|Olongapo City National High School | Olongapo City