Being a teacher is really a difficult task yet a fulfilling one. As a school teacher you are commited by the virtue of the profession to shape minds and hearts of students.
Pagtilaok ng manok, mata’y mulat na upang gampanan ang tungkulin sa pamilya. Masisimula ng maluluto, maglilinis at madaliang maglalaba. Kung minsan di na mag-aalmusal baka ma-late kasi may biometrics na.
Sa paaralan maaga pa naroon na. Maghahanda ng tsart at gawain sa pisara. Pagdating ng mga bata lahat ay ayos na pati aralin ibabahagi niya. Pagkain sa tanghali laging nagmamadali. Maghapong magtuturo sa mga bata na may iba’t ibang ugali at kakayahan. Kailangan niyang tapusin mga gawain sa araw-araw.
Pagdating sa bahay, katawan at isipan ay pagod na. Saglit na magpapahinga aasikasuhin naman ang pamilya. Masarap sa pakiramdam na ang mga gawain ay buong pusong nagampanan. Matutulog ng mahimbing at bukas muling gigising na may pag-asa mga tinuturan ay makakapasa.
Still everything depends on the teacher to make things better for the students.
By: Mrs. Alicia B. Reyes | Teacher III | Limay Elementary School | Limay, Bataan