Buhay ng Isang Guro

  Elementarya pa lamang ay aking nasaksihan Mga gawain ng aking mga guro na taos pusong naninilbihan Sa mga mag-aaral walang sawang pinapanday Karunungan at kakayahan sa lahat ng larangan ng buhay Ito ang dahilan kaya ako’y nangarap na maging isang guro sa hinaharap Nais ko ay maglingkod sa mga batang kumakapit sa pangarap Ang…


 

Elementarya pa lamang ay aking nasaksihan

Mga gawain ng aking mga guro na taos pusong naninilbihan

Sa mga mag-aaral walang sawang pinapanday

Karunungan at kakayahan sa lahat ng larangan ng buhay

Ito ang dahilan kaya ako’y nangarap na maging isang guro sa hinaharap

Nais ko ay maglingkod sa mga batang kumakapit sa pangarap

Ang mga adhikain at layunin ay umaasang magaganap

Kaya ako ay nagsikap at nagsikhay sa buhay

Layunin ay makatapos at magtagumpay sa pinangarap na kinabukasan

Lumipas ang maraming taon , ako ay isang ganap na guro

Walang hanggang pasasalamat una sa Panginoon at sa magulang ay inaalay

Nakamit ang titulo dahil sa kanilang sipag at adhikaing makamtan ko ang matagal ng ambisyon

Ang pagiging guro ay isang “ noblest profession “

 Hindi matatawaran ang ating dedikasyon

Taos sa pusong paglilingkod at pag-asang makatulong sa mga mag-aaral

Na umaasang malinang ang kanilang karunungan upang maisakatuparan kanilang  ambisyon

Datapwat maraming pagsubok ang kinakaharap

Tibay ng dibdib at lakas ng loob ang sandata sa lahat

Panalangin sa twina ay makayanan ang responsibilidad na sa atin ay iniatang

Patnubayan nawa tayo ng Poong Maykapal

 

By: Jocelyn B. Asuncion| Master Teacher I | BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL | Balanga, Bataan