Lungkot sa mata’y kitang-kita
Pag-asa’y unti-unting nawawala
Hirap ng buhay tunay na alintana
Pagod sa maghapon, katawa’y patang-pata
Sa gabi’y pag-iyak ang tanging pahinga
Sa umagay, paggising, una’y basang-basa
Magang mata sa salami’y makikita
Tanong sa sarili’y “mahalata kaya nila?”
Bigat ng loob, hindi na gumaan
Nakapagtatakang lagi pang nadaragdagan
Mga dalahin, tunay akong pinahihirapan
Hindi na ba ako nito tatantanan?
Tanong na paulit-ulit sa isipa’y naglalaro
Buhay ba’y talagang ganito?
Kahit nagsisikap tila’y walang asenso
Napapaisip at sigaw na lamang ng “O, Diyos ko!”
Kaya’t dalangin ko sa Diyos na lumikha
Pagtibayin aking loob, pagsuko’y dapat sa bokabularyo’y wala
Panalangin na ako’y higit na kumapit sa Kanya
Sapagkat Kaniyang pangako isang buhay na masagana.