Araw ng Miyerkules, maaga akong pumasok.Pumasok ako ng maaga kasi magbabasa ako. So ayun na nga, pagpasok ko ako pa lang yung tao sa room. Pagpasok ko, kinuha ko yung libro ko sa A.P. at lumabas na ako at umupo sa may hagdan. Limang minute na akong nagbabasa ng dumating ang isa kong kaklase hanggang sa sunod sunod na sila nagdatingan at nagtime. Masaya sa unang subject, pati pangalawa. Tas nagreses na, bumaba kami ng bestfriend ko para mamili ng pagkain. Nagpalibre yung mga kaklase ko sa akin, at ginawa ko naman. Hanggang sa nagbell na para sa third subject na MAPEH, pero AP ang pumasok, kasi akala ko MAPEH. Ayoko talaga ng AP kase lagi akong kinakawawa ng teacher at nilalait. Kaya tuwing time nya, kung saan saan ako umuupo para lang di nya ako makita pero wala din, nakikita nya pa din ako. Lagi naman akong nakakasagot sa mga tanong nya pero ayoko ng pag nagpapaliwanag sya lagging nandun pangalan ko, at ako lagi topic sa mga kwento nya. Sa labas masaya ako, pero sa loob hindi, nasasaktan ako. Lagi na lang ako. Tama bang laitin ako, tama bang manglait ang isang teacher? Tama bang binubully nya ako? Tama ba ang ginagawa nya?TEACHER sya at dapat maging magandang ehemplo siya.
By: Lea M. Antalan | Master Teacher II | Limay National High School | Limay, Bataan