Bullying: Lumalalang Suliranin

Ang paaralan ang pangalawang tahanan ng mga mag-aaral. Isang katotohanan na nagaganap sa ating paaralan na ang mga mag-aaral ay nakararanas ng pang-aabuso, pangungutya, panunukso at pananakit ng katawan o sa pasalitang paraan. Kaya naman sa tulong ng “DepEd Child Protection Policy” nakasaad ang proteksyon na nararapat ibigay sa mga mag-aaral mula sa Violence, Exploitation,…


Ang paaralan ang pangalawang tahanan ng mga mag-aaral.

Isang katotohanan na nagaganap sa ating paaralan na ang mga mag-aaral ay nakararanas ng pang-aabuso, pangungutya, panunukso at pananakit ng katawan o sa pasalitang paraan.

Kaya naman sa tulong ng “DepEd Child Protection Policy” nakasaad ang proteksyon na nararapat ibigay sa mga mag-aaral mula sa Violence, Exploitation, Discrimination, Bullying, at iba pang uri ng pang-aabuso.

Nakalilikha ng isang di kilalang katauhan ang pananakit ng mag-aaral sa kanyang nagiging biktima. Resulta nito ay ang pagkatakot na pumasok o ang mas malalala ay ang pagtigil sa pag-aaral upang maiwasan ang sitwasyong nakasasakit ng kalooban.

                Sa isang banda, sinisikap ng mga kawani ng paaralan na mapabuti ang kalagayan ng mga mag-aaral. Nariyan ang mga programang magbibigay sa kanila ng kaalaman upang makaiwas sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Sa tulong ng mga kapulisan at mga Non Governmental Organization (NGO) at  Iba’t ibang symposium upang masolusyunan ang mga pampamilyang suliranin.

            Kung ang paaralan ang sinasabi nating pangalawang tahanan, di ba’t nararapat na bigyan natin ng maayos na kapaligiran ang mga mag-aaral?  Ang maramdaman nilang kaalaman ang maibibigay sa kanila ng mga guro at maayos na pakikitungo ng mga kaklase.

                Hindi natin masusukat ang pinsala na malilikha nito  sa isang tao.Kailangang sagipin ang mga taong nang-aabuso na mabigyan ng tamang gabay at counseling  at higit sa lahat  ang taong inabuso. Sa ganitong paraan, makakaiwas tayo sa mas malalang  problemang maidudulot nito. 

By: Rowena A. Delfin | Teacher III | Mariveles National High School – Poblacion | Mariveles, Bataan