BUWAN NG WIKA, 2016 IPINAGDIRIWANG

                  Sa muling pag-arangkada ng Wikang Filipino,hindi matatawaran ang ginagawang pakikiisa ng mga guro sa Filipino ng Justice Emilio Angeles Gancayco Memorial High Scool, kung saan noong nakaraang Biyernes ay bumuo na ng mga aktibidad ukol sa pagsasagawa ng programa na may temang “ Filipino Wika ng Karunungan”…


                  Sa muling pag-arangkada ng Wikang Filipino,hindi matatawaran ang ginagawang pakikiisa ng mga guro sa Filipino ng Justice Emilio Angeles Gancayco Memorial High Scool, kung saan noong nakaraang Biyernes ay bumuo na ng mga aktibidad ukol sa pagsasagawa ng programa na may temang “ Filipino Wika ng Karunungan” . Layunin nito na palakasin pa ang Wikang Filipino.

                    Ang programa ay sinimulan noong ika-1 ng Agosto taong 2016 kung saan ang mga Guro sa Filipino ang nanguna sa “ Flag Ceremony” kung saan ang inyong lingkod ang nanguna sa Panunumpa ng Kawani ng Gobyerno, at susundan ito ng “room contest” tulad ng pagbuo ng islogan, poster making contest,pagsulat ng sanaysay, declamation contest, isahang pagbigkas ng tula, sabayang pagbigkas, say awit , gayun din ang tagisan ng talino na tunay na hahasa sa talino at kakayahan ng mga mag-aaral ng JEAG MHS na sisimulan mula sa ika-8 ng Agosto hanggang ika-26 ng Agosto 2016.

                  Magsasagawa rin ng paligsahan na hihiranging bagong”Lakan at Lakambini” na sumusimbolo sa ating pagiging Pilipino. Ang kagandahan at kakisigan ay hindi nawawala sa mga katangian ng isang Pilipino na maraming beses na itong napatunayan ng ating bansa. Marami na ang naparangalang mga Pilipino at mga Pilipina kung saan kabilang si Janine Togunon na ipinagmamalaki ng Bayan ng Orion.

                    Ang paghirang sa bagong “  Lakan at Lakambini” ay gaganapin sa ika-31 ng Agosto, 2016 na siya ring pagtatapos ng Buwan ng Wika. Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay taunang okasyon bilang pagpapahalaga sa ating Wika at sa Ama ng Wikang Pambansa : Manuel L. Quezon.

By: Elnora F. Tolentino | T-III | JEAG MHS