CARTOONS AND VOILA

           Hello sa mga katulad ko na mahilig sa cartoons at mga batang 90’s na araw-araw nag-aabang noon ng papanooring cartoons gaya ng Time Quest, Sailor Moon, Voltes V at Ghost Fighter. Aware ba kayo sa sumisikat na app ngayon na tinatawag na Voila? If yes, kaway kaway naman dyan!! Isa ako sa mga nabudol…


           Hello sa mga katulad ko na mahilig sa cartoons at mga batang 90’s na araw-araw nag-aabang noon ng papanooring cartoons gaya ng Time Quest, Sailor Moon, Voltes V at Ghost Fighter. Aware ba kayo sa sumisikat na app ngayon na tinatawag na Voila? If yes, kaway kaway naman dyan!! Isa ako sa mga nabudol at nag download at install na ng nakakatuwang application na ito sa Playstore. Aliw na aliw at agad ko itong sinimulang gamitin at nai-post ko pa sa isang sikat na social media app ang 3d cartoon ng aking pamilya. After kong mag-post ay nakita ko na din sa aking newsfeed na ilan sa mga friends ko ang naaliw at nag-post na din ng kani kanilang Voila pictures.

           Nang dahil sa app na Voila, bumalik sa aking alaala ang saya ng pa giging bata na nag-aabang sa tuwing may bagong cartoons na ipalalabas sa telebisyon. Ang mga cartoons ng aking kabataan ay kinapulutan ko ng aral at naging libangan noong ako ay bata pa. S a katotohanan, hanggang ngayon ay mahilig pa din akong manood ng cartoons sa kabila ng aking edad sa kasalukuyan. Because of my kids, nabigyan ako ng magandang excuse para ipagpatuloy ang muling panonood ng cartoons.

          Talagang masasabi ko na ang cartoons ay hindi lamang para sa mga bata, kundi para din sa mga adults na gaya ko na nakakakuha ng relaxation at enjoyment sa panonood nito. So remember, you are never too old to watch cartoons.

By: Christelyn R. Quimlat | Teacher II | Bataan National High school