Ang Cooperative Leaning ay isang dulog o paraan ng pagtuturo upang lalo pang maunawaan ng mga mag-aaral ang tinatalakay na aralin. Ang mga mag-aaral ay kasangkot sa isang pangkat at tulong-tulong na gumagawa para matamo ang isang layunin ang pagkatuto sa patnubay ng guro.
Ang pamamaraang ito ay binubuo ng mga sumusunod na katangian na kakaiba sa ibang uri ng gawaing pinapangkat. Ang bawat mag-aaral ay positibong nagnanais na makamit ang kaisahan sa pagkatuto; ang mga kabilang sa pangkat ay nagkakaugnay sa pamamagitan ng malapitang interaksyon. Ang bawat mag-aaral ay gumagamit at nililinang ang collaborative at interpersonal na kasanayan upang maturuan at mahikayat ang bawat isa sa mga kapangkat na mag-aaral upang maunawaan ang paksang tinatalakay.
Sa istratehiyang ito nababawasan ang labanan ng bawat isa sa halip ay tulong-tulong na lumulutas sa mga nakikitang problema. Sa paraang ito ang mga mag-aaral ay masiglang natututo at nagkakaroon ng malalim na pagkaunawa sa mga paksa , konsepto at mga ideya.
May tatlong pangunahing layunin sa paggamit ng Cooperative Learning: linangin ang sosyal at kasanayang pakikipag-ugnayan; mapaunlad pa ang pakikisama at pagtanggap sa pagkakaiba-iba; at mapaunlad pa ang katayuang pang –akademiko.
Napatunayan din ng maraming guro na ang mga mag-aaral na lumalahok sa Cooperative Learning ay nagpapamalas ng di pakikipagkompetensiya, karagdagan dito ay yumayabong ang mgandang samahan ng mga mag-aaral. Napatunayan din ng mga mananaliksik na madaling makaunawa ang mga mag-aaral na kalahok sa Cooperative Learning.
Hindi naman sinasabi ng mga eksperto na Cooperative Learning lang ang gamitin ng guro sa mga mag-aaral kundi isa lamang ito sa mga mabibisang istratehiya na dapat pag-ukulan ng pansin.
Sanggunian:
Concept to Classroom by WNET and Thirteen.org
By: NANCY S. ESTRELLA|TEACHER I|BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL|BALANGA, BATAAN