CPD Law

“Ha? Ano? Ganoon karami? Hindi nga? Para saan?” Tila nagulantang ang buong mundo ng mga kaguruan matapos ibaba noong 2015. Maraming sinisi, maraming may ayaw, ano raw ba ang katuturan ng batas na ito para sa mga kaguruan at sa iba pang propersyunal sa ating bansa? Hindi katanggap – tanggap. Ang siste, para itong naging…


“Ha? Ano? Ganoon karami? Hindi nga? Para saan?”

Tila nagulantang ang buong mundo ng mga kaguruan matapos ibaba noong 2015. Maraming sinisi, maraming may ayaw, ano raw ba ang katuturan ng batas na ito para sa mga kaguruan at sa iba pang propersyunal sa ating bansa?

Hindi katanggap – tanggap. Ang siste, para itong naging sakit na nakamamatay. Maraming hindi handa. Maraming hindi nakakaintindi. Tunay nga namang napakarami ng mga kailangan upang muling makakuha ng lisensya.

Tulad ng palagiang sinasabi ng mga nakatatanda – Tanging pagbabago lamang ang isang bagay na hindi nababago sa ating mundo. Hindi pwedeng dahil iyon ang nakasanayan ng lahat sa mahabang panahon, iyon at iyon na lamang hanggang sa tuluyan nang pumikit ang ating mga mata.

Masarap ang pagbabago, lalo kung ito ay ating naiintindihan.

Hindi maayos ang pagkakalatag ng R.A. 10912 na kilala bilang CPD Law. Maraming butas, mahirap makuha ngunit nito lamang Ika – 1 ng Marso, 2019, muling inilatag ang CPD Law, mula sa 45 units para sa mga guro ay naging 15 units na lamang. Mas malaking ginhawa ito para sa lahat ng guro. Sinabi rin sa batas, ang lahat ng seminars ay magiging accredited ng PRC upang mas madali ang paghahanap ng mga kaguruan sa mga seminar na aprubado ng gobyerno. Dito, makikitang magtutulungan ang PRC at Dep Ed para sa ikabubuti ng ating propesyon.

Kaya, h’wag nang magmaliw at mag-aalala. Tanggapin ang pagbabago. Nakabubuti rin ito para sa lahat. Tulad ng sinabi ng ating Presidente change is coming and indeed, change came to us. Yakapin na lamang natin ito nang mahigpit.

By: Mrs. Joan C. Isidro | Teacher II | Bataan National High School | Balanga, Bataan