Ako ay isang Dakilang Guro. Ang sarap sambitin pero may karapatan ba akong tawaging Dakilang Guro. Paano at ano nga ba ang sukatan ng pagiging isang dakilang guro. Ang isang Dakilang guro ba ay yung mahusay magturo, magaling magwika ng ingles, maganda manamit, may magandang pisikal na anyo o yung may maganda at maayos na kwarto.
Taong 2012 nang ipatupad ang mga patuntunan sa pagkuha ng guro na kung sino ang dapat hirangin na Dakilang Guro sa bawat taon. Isa ka sa mga kwalipikadong kandidato sa pagiging Dakilang Guro base sa mga katunayang sertipiko, mga pinagwagian na laban sa departamento, dibisyon, rehiyon o nasyonal man at kung anu-ano pang mga papel na katunayan ng iyong paglago sa paligsahan man o edukasyon. Sa isang anyo ng librong ito at hindi mo sya sasangayunan dahil magbibigay lamang ito ng isang uri ng diskriminasyon sa hanay ng mga kaguruan. Diskriminasyon sa mga guro na walang ginawa sa araw-araw kung hindi magbigay kaalaman sa mga bata at dun sa mga may kakayanang lumago sa kanilang mga sarili. Di lahat ng tao ay pare-pareho ang mga itsura kaya iba’t-iba rin ang mga ugali at iba pa.
Anu nga talaga ang dapat na maging batayan ng pagkuha ng isang Dakilang guro. Katulad ng isang magulang, madali ang sabihing ikaw ay isang magulang kumpara dun sa isang tao na kayang panindigan ang pagiging magulang sa kanilang mga anak. Kung minsan kahit anong gawin ng isang magulang na kabutihan at pagmamahal sa kanyang anak eh nasusumbatan pa rin ng mga anak na sila ay di naging mabuting magulang dahil sa pagkalihis ng landas ng kaniyang anak. Nandyang masabihan ka ng walang kwentang magulang o walang silbi, ng dahil lang di mo naibigay ang gusto nya o di payagan sa bagay na ipinagpapaalam.
Katulad ng salitang Magulang, ang isang Guro ay mahirap ding matunton sa kanyang pagiging dakila sa kabila ng kanyang pagsasakripisyo na maibigay sa kanyang mga estudyante ang sapat na kalaman sa kanyang asignatura at mga pangaral na maihahalintulad sa pangaral ng isang magulang nito. Sa kung anu’t-ano mang mga kadahilanan, dakila ang isang guro kung ginagampanan nito ang kanyang mandato sa trabaho at higitan pa sa labis na pagmamalasakit nya sa kanyang mga estudyante nang dahil na rin sa pagmamahal nito at paghahangad na sila’y makatapos ng pagaaral at magkaroon ng magandang buhay sa darating na panahon at harapin ng buong tapang ang hamon ng buhay sa ngayon.
By: Jose Josselle dela Peña | Teacher I | Orani National High School | Orani, Bataan