Dakilang Guro 2020-2021

Matagumpay na naisakatuparan ng mga guro sa Bataan National High School- JHS ang Panuruang 2020-2021. Kahit kabi-kabilaan ang nagbabadyang Epidemya sa ating lahat gawa ng mapaminsalang Virus na COVID-19. Ang bawat isa ay lumalagoy sa hamon ng buhay upang mapagtagumpayan ang ganitong kalagayan. Masaasbing masalimuot ang bawat yugto ng bawat markahan. Maraming guro ang humaharap…


Matagumpay na naisakatuparan ng mga guro sa Bataan National High School- JHS ang Panuruang 2020-2021. Kahit kabi-kabilaan ang nagbabadyang Epidemya sa ating lahat gawa ng mapaminsalang Virus na COVID-19.
Ang bawat isa ay lumalagoy sa hamon ng buhay upang mapagtagumpayan ang ganitong kalagayan.
Masaasbing masalimuot ang bawat yugto ng bawat markahan. Maraming guro ang humaharap sa bawat rotang kanilang kinabibilangan upang maihatid ang karunungan sa kanilang mag-aaral. Ang isang paa ng mga ito ay nasa hukay ng kamatayan, ngunit hindi alintana ang ganitong sitwasyon sa kadahilanang hinihingi ng sitwasyon ang ganitong pangyayari. Malaking peligro ang hatid ng nasabing epidemya sa atin mga mamamayan.
Ngunit sa bawat sagwan ng ating buhay ay naghahatid ng katagumpayan ng bawat isa sa ating mga kaguruan at mga mag-aaral. Tagumpay ng bawat kabataan ang nakasalalay na pinanday ng mga ulirang guro ng Bataan National High School – JHS.
Ang bawat andana ng tagumpay ng mga kabataan ay nag-iiwan ng ibayong kasiglahan sa mga kaguruan.Isang guro ang pumapanday sa mga matagumpay na Accountant, Doctor,Nurse, Engineer , Policeman, Army , Fireman at iba pang mga larangan.
Masarap balikan na ang bawat kabataang nakatapos ay minsang dumaan sa iyong palad at hinubog sila ng iyong mapagpalang kamay ng bawat maestra at maestrong nagsunog ng kilay at nagbigay ng ibayong karunungan sa kanila.
Ngayong taong panuruang 2020-2021 ay nagsara na at maraming kabataan ang nagkamit ng karangalan at pagpupugay na nilahukan ng mga nagsipagtapos. Ngayong taon din na ito ay apat na magigitng na guro ang nakasungkit ng karangalan na bawat isa ay nag-aasam na makuha ito .
Ang karangalang ito ay ang Tinaguriang ‘’Dakilang -Guro” na kinakitaan ng Sensiridad, pagmamalasakit sa kapwa, pagmmahal sa pamayanan, paghahatid ng ibayong karunungan sa mga mag-aaral at sa kapwa guro at higit sa lahat ang kahulugan ng Pag-ibig sa kapwa at sa mga nasasakupan . Hindi lang sa mag-aaral umikot ang buhay ng mga nasabing guro , hatid nila ay ibayong pagmamalasakit at pagtataguyod na maisakatuparan ang hangaring maisadsad ang taong ito na maayos at may sapat na kaalaman ang bawat isa. Parangal , isang parangal na maihahalintulad mo sa isang mamahaling pedestal na mahirap makuha sa panahon ng Pandemya , pAndemya na sumubok sa bawat Pamilyang Pilipino at nagbuklod sa mga pamilyang nagkawatak -watak upang mabuo ang bawat isa. Pandemya ay hatid ng tagumpay sa bawat isa, isang paalala sa atin ng ating Lumikha na tayo ay may pagkukulang sa ating kalikasan , sa ating sarili, sa ating kapwa , sa ating bansa at higit sa lahat pagkukulang nang Pananalig . Kaya masasabi ko na ang Pandemya ay may hatid na kabutihan sa ating lahat.
At isa na ako sa mga guro na nakakita ng Positibo sa nasabing kalamidad at ito ay aking ibinalik ng taos sa pusong pagtalima sa aking trabaho at pagmamahal sa mga mag-aaral at sa kanilang mga magulang .

Ang taon na ito ay positibong kog hinarap at isa ako sa nakasungkit ng karangalan at aking nakasama sinaAng taon na ito ay positibong kog hinarap at isa ako sa nakasungkit ng karangalan at aking nakasama sina1. Marilyn Sacdalan Chairman at Guro sa ikapitong -antas2. Armida Lucena Chairman at guro sa ikawalong baiting3. Joann Rueda Chairman at Guro sa ikasiyam na baiting at4. Pang-apat ang inyong lingcod Ediesa P. Mendoza Vice President ng ikawalong baiting at isang guro sa nasabing antas.Lubos po akong bumabat sa lahat ng guro sa buong Pilipinas sa kadahilanang tayo pong lahat ay mga DAKILANG -GURO sa panahon ng Pandemya.Hindi dito matatapos ang ating mga adhikain na maihatid natin ang ating karunungan sa bawat kabataang naghihintay ng ating pagkalinga at pagmamahal.Sabi nga sa isang kataga : “ Gumawa ka ng isang kabutihan at ibabalik ko saiyo ito ng siksik, liglig at umaapaw”Mabuhay ang mga kaguruan sa Panahon ng Pandemya!

By: EDIESA P. MENDOZA | Teacher III | BNHS