Death Penalty: Buhay o Kamatayan?

Kidnapping, involvement in illegal drugs, murder, rape, prostitution, gun-for-hire killings, robbery, acts of terrorism, at malversation of public funds─ito ang mga lumalalang krimen sa ating lipunan. Ito rin ang mga problemang ipapasa at ipamamana na natin sa mga susunod na henerasyon. Ngunit para sa lahat ng krimeng ito ay may isang kandidatong solusyon. Ito ay…


Kidnapping, involvement in illegal drugs, murder, rape, prostitution, gun-for-hire killings, robbery, acts of terrorism, at malversation of public funds─ito ang mga lumalalang krimen sa ating lipunan. Ito rin ang mga problemang ipapasa at ipamamana na natin sa mga susunod na henerasyon.

Ngunit para sa lahat ng krimeng ito ay may isang kandidatong solusyon. Ito ay ang pagbabalik ng Death Penalty sa Pilipinas. Isa sa mga kontrobersyal na isyu na minsan nang pinag-usapan at pinagtalunan ng mga mamamayang Pilipino. Ayon sa Prepublic Act No. 7659, ang death penalty ay ang parusang ipinapataw sa mga gumawa ng mga karumal-dumal, kagimbal-gimbal at nakaririmarim na krimen. Maraming may gustong ipatupad ang batas na ito dahil di umano’y mapipigilan nito ang pagtaas ng antas ng krimen. At mayroon rin nagsasabing na bakit kailangang gugulan at gastusan ng malaki ng gobyerno ang mga “kriminal.” Subalit mayroon rin namang nagtatanggol sa knila at sinasabing walang karapatan ang sinuman na kitilin ang buhay ng isang tao kriminal man o malinis ang pagkatao. Ilan lamang ito sa mga argumentong maingay na pinagtatalunan.

Makatutulong nga ba ang Death Penalty upang masolusyunan ang tumataas na bilang ng krimen? Wala pang sapat na ebedensya at pagsasaliksik na tunay ngang mapapababa nito ang antas ng krimen. Sa katunayan, batay sa pananaliksik simula noong 1990 hanggang ngayon, ang mga bansa sa United States na nagpapatupad ng death penalty ay may mataas pa rin na antas ng krimen. Subalit sa Britanya at Australya na walang ganitong batas ay malimit o mababa ang bilang ng krimen.

Totoo rin naman ang sinasabi nilang malaking pera ang gugugulin para sa taong gumawa ng mga karumal-dumal na krimen kung pananatilihin silang buhay. Ngunit hindi  ito sapat na basehan upang tuluyang ibalik ang ang hatol na kamatayan sa ating bansa. Ang presyo ng lethal injection ay parte lamang ng malaking gastos na paglalaanan ng budget ng pamahalaan.  Ganoon na rin ang mga ekspertong doktor na magsasagawa nito. Pati na rin ang mas marami at mas mahabang pagdinig ng kaso kung nararapat nga bang hatulan ng death penalty ang nasasakdal.

Naniniwala rin ako na ang bawat isa sa atin ay may karapatang mabuhay at magbago. Hindi rason ang kasabihang “an eye for an eye”, “a tooth for a tooth” para sa mga taong ginawan ng krimen. Para sa ilan ang parusang Death Penalty ay hindi magsisilbi sa kapakanan ng hustisya; bagkus ito’y kumikitil sa kalayaan at karapatan ng isang tao. Karapatang magbago at itama ang kasalanang  kanilang nagawa. At sabi nga sa Bibliya, ang ating buhay ay ipinahiram lamang ng Maykapal kaya’t  Siya lang din ang may karapatang bumawi nito.

By: Aika Kristine L. Valencia | Saint Joseph’s College of Balanga