Sa pangunguna ng Komisyon ng Wikang Filipino at ng Department of Education (DepEd), nagsasagawa at maraming pang inihahandang mga palatuntunan at paligsahan ang bawat paaralan para sa buwan ng Agosto, kung saan marami nang mga mag aaral ang sumali at nakipagdiwang bilang pinakamalaking grupo na gumagamit ng ating wikang pambansabilang bahagi ng kanilang mga aralin.
Malugod na ipinaaalala sa lahat na sa natitira pang araw ng Agosto, ang linggo ng Agosto 22 hanggang 28 ay may paksang “Wikang Filipino: Tugon sa Malinaw na Programa sa Tuwid na Landas.”
Kaming mga guro ay may mga inihandang palatuntunang gaganapin sa mga paaralan patungkol sa paglikha ng mga awitin at mga tula tungkol sa mga adhikaing ipinapatupad ng ating pamahalaan tulad ng pagkalinga sa kapaligiran, paglilinis at paggamit sa ating wikang pambansa.
Ang natitira pang mga araw ng Agosto ay ipapatungkol naman sa pagdiriwang ng wikang Filipino bilang tinig naming mga guro at mag-aaral at wika ng kabayanihan tulad ng isinabuhay ni Dr. Jose Rizal.
Nawa’y maibigay naming ang wastong mga palatuntunan na magbibigay liwanag sa mga mag-aaral kung bakit ang wikang pambansa ay ang ilaw at lakas ng isang nayon.
By: LORENA M. NAVATA | T-III | LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL | LIMAY, BATAAN