Diabetic ako kasapi ng “Media”
Pabirong tinuran ni Mama at Papa
Mga kakwentuhan lumakas ang tawa
Dahil diabetic lahat pala sila.
Isang disorder ang diabetis mellitus
Na sobrang taas ang blood sugar (glucose)
Ang katawang lupa hindi maka-produce
Kailangang insulin ito ay kapos.
Feeling nauuhaw laging naiihi
Nawawala tuloy maraming calories
Ang timbang pababa at papaliit
Mata’y lumalabo, endurance nagde-decrease.
Minsan naduduwal tuloy nasusuka
Sa mga impeksyon susceptible sila
Tingling or burning pain nakararamdam pa
Mga braso’t binti ay humihina na.
Atake sa puso’t strokes pwedeng mangyari
Nanganganib din ang kanilang kidney
Kinatatakutang dialysis totoong possible
Kaya mag-ingat kumare’t kumpare.
Iwasang magkasugat baka di na gumaling
Palasak na ngayon feet and hands gangrene
Apektado rin blood pressure, nerves at skin
Sa kalalakihan ang penis, baka maging impotent
Sa kababaihan, daming pregnancy problem.
Bata at matanda payo ko’y pakinggan
Magpalit na kayo ng inyong lifestyle
Pagkain ng sobrang matatamis ay inyong iwasan
Tamang ehersisyo ay gawing regular
Laging komunsulta sa doctor na hirang
Nang blood sugar level ay maging normal.
By: Larah May Dela Rosa | Nurse II | DepED Bataan