Ang artikulo pong ito ay hindi naglalayong humusga kundi magbukas ng puso at isip sa mga tinutukoy na katauhan upang lumikha ng mga desisiyong makapagdudulot ng kapakinabangan para sa lahat at sa tulong Dakilang Awa ng Diyos.
Sa ating pamayanan, marami namang mga pinuno natin at mga kapwa- tao sa iba’t ibang institusyon ay nagtataglay ng mabuting disiplina sa iba’t ibang aspeto ng kanilang gawain at pakikisalamuha sa iba na nagdulot ng tuwa, ginhawa at inspirasyon sa iba.
Sinabi sa isang aklat sa Filipino sa Pandalubhasaan na “Kayong mga kabataan ay hindi na masipag maghawan ng mga landas na may mga tinik…” na nangangahulugan na wala ng tiyagang kumilos at mag-isip ang mga mag-aaral at mga kabataan upang malutas ang mga suliraning kinakaharap sa mabubuti at makataong pamamaraan kundi sa halip, mas ninanais na makamit ang mga pangarap at mga ginusto sa mas madaliang paraan kahit magdulot ito ng kanilang mga kapariwaraan at kapahamakan sa kanilang kapwa.
Bakit nga ba sa kasalukuyang panahon ay nawawala na ang disiplina sa mas maraming mamamayan, pinuno, manggagawa, mag-aaral, kabataan at maging ng mga magulang sa kasalukuyan? Ako po’y nagtataka kung bakit sa kasalukuyan ay may iilang mga magulang o mga nakatatanda ang pumpayag sa mga “immoral” na gawain ng kani-kanilang mga anak o kamag-anak gaya ng “pre-marital sex” sa mga murang edad pa lamang lalo na sa mga kabataang lalaki dahil wala naman daw mawawala sa mga ito dahil lalaki naman na dapat sana ay sila ang magsasabi sa kani-kanilang anak na ang gawaing ito ay isang sagrado at regalo ng Diyos sa dalawang taong nagmamahalan pagkatapos ng kanilang pag-iisang dibidib sa harap ng dambana ng Dakilang Lumikha at upang sila ay maging banal na “co-creator” ng Diyos ngunit sa halip, nagdudulot ito ng “teen-age” pregnancy” sa mga kabataang babae walang kahanda-handa sa pagiging responsableng ina o magulang tuloy ang dulo nito ay kapariwaraan ng kani-kanilang mga magiging anak kung sila’y di magagabayan ng kanilang pamilya sa tamang pag-aaruga sa mga bagong nilalang. Hindi po ba dapat na sana tayong mga magulang o mga nakatatanda ang magtuwid sa kanilang maling gawain? Alam naman po nating lahat ang isang pagkakamali ay hindi maitatama ng isa pang pagkakamali at sa maling desisyon nilang ito ay mabgubunga ng lalo pang pagkapariwara o higit na pagdurusa at kahirapan sa kani-kanilang magiging mga anak dahil sila mismong mga magulang ay walang sapat na kahandaan sa tama at maayos na pagpapamilya at walang malalim na pagpapahalaga sa kanilang mga sarili at magandang kinabukasan sa susunod na panahon.
Sa ating pamayanan kung tayo lamang ay magmamasid-masid ay makikita natin na may ibang mga magulang na sila pa ang nag-uudyok sa kanilang mga anak sa murang edad na matutong maghanap-buhay para magpakain sa kanilang pamilya na sa halip ay sila ang magbanat ng buto para sa mga anak na ipinagkatiwala sa kanila ng Dakilang Manlilikha. Ngunit sa kabilang banda, hindi rin natin masisisi ang iba mga magulang kung sila man ay magpatulong sa paghahanap-buhay sa kani-kanilang mga anak upang maiahon ang kanilang buhay sa kahirapan at upang may sapat na pantustos sa kanilang edukasyon at mga pang-araw-araw na pangangailangan at buhat dito ay nakatitiyak na silang magkakaroon ng maliwanag at masaganang buhay sa hinaharap kaya marapat lamang na ang mga ganitong mga magulang at anak ay ating saluduhan at parangalan at higit sa lahat ay ating tularan upang masambit natin sa ating sarili na tayo bilang mga magulang ata anak ay mga disiplinadong katiwala ng Diyos sa lahat ng mga nilalang Niya dito sa mundong ibabaw.
Ang isa pa ring nagpapakita ng kawalan ng disiplina ay ang pagkakaroon natin ng ilang pinunong nagpapatupad ng batas ngunit sila pa ang kauna-unahang sumusuway sa mga ito at harap-harapang nag-aaway at nagpapakita ng kawalang-galang sa isa’t isa sa harap ng mga mamamayang kani-kanilang pinamumunuan. At sila rin ang kadalsang lumalait sa mga maralitang mamamayang dulot ng karalitaan, kawalang hanap-buhay at biktima ng iba’t ibang uri ng kalamidad ang nagpapadala sa mga malalayong lugar kung may mga pinunong mula sa iba’t ibang panig ng mundo na bumibisita sa ating bayan upang hindi makita ng mga ito ang karalitaan, kaapihan at pagwawalang-bahala at upang hindi matuklasan ng mga ito na ang mga pinadadalang tulong pampinansyal man o bagay ay madalas na napupunta lamang sa kani-kanilang sariling bulsa at winawaldas ng walang habas sa pansarili lamnag na pangangailangan at kapritso. Sana’y isabuhay nila ang aral ni Padre Modesto de Castro sa kanyang aklat na “URBANA AT FELIZA”na matatagpuan “ Sa Katungkulan sa Bayan” na kung alam mong karapat-dapat kang maging pinuno ng bayan at nasa iyo ang lahat ng katangian ng isang mabuting pinuno ay ikaw na ang magkusang magprisinta sa bayan ngunit kung alam mong hindi ka karapat-dapat kahit gusto ng mas nakararami ay ikaw na ang unang umayaw o tumanggi.
Sabi nga ating Panginoong Hesus, “kung ibig mong maging dakila ay maging lingkod ka ng lahat!”
Ipinahayag din sa wikang Ingles na “ The best leader is the best follower!”
Sana, tayong mga pinuno sa iba’t ibang institusyon ay maging mabuting halimbawa sa kagandahang-asal, kilos, gawi at desisyon sa ating kapwa at tulong at pagkakaroon natin ng tiwala at pananalig sa paggabay ng Diyos
Sa halip, dapat tayong lalong magtaglay ng mabubuting ugali, kilos at gawi sa lahat ng aspeto ating buhay dahil sa mga makabagong kaalaman at kasanayang mula sa dalubhasa at maging mga batas pangrelehiyon, pampulitika, pambansa at pang-akademya ay lalo pang sumasama ang ating mga nagiging desisyon at di na rin natin naisasaalng-alang ang mga Batas ng Diyos na Kanyang itinuro, inihabilin, isinabuhay at iniwan sa atin at kung ang mga ito ay ating tutularan, susundin at isasabuhay ay tunay tayong magkakaroon ng mabubuti, maliligaya at ganap na buhay.
By: Aileen D. Maglente | T-III | National Highs School Main