Kailan mo huling isinabuhay ang tamang disiplina? Lahat ng bagay ay masasabing nasa tamang pamamaraan at mauuwi sa maayos na kahihinatnan kung lahat tayo ay may disiplina sa ating mga sarili.
Ang tamang Edukasyon ay abot kamay kung ang bawat tao na nakapaligid sa bawat mag-aaral ay magiging responsible sa lahat ng kanilang ginagawa, pagkat hindi lingid sa ating mga isipan na ang mura nilang mga isip ay naiimplewensyahan ng malaki, hindi lamang ng kanilang mga guro at kaklase kundi rin ng kanilang mga magulang, kaibigan, kapitbahay, kamag-anak at lahat ng taong bumubuo sa komunidad na ginagalawan ng bawat isang indibidwal.
Disiplina ang kailangan para sa mga taong bumubuo sa paaralan,sa itinuturing na ikalawang tahanan ng bawat indibidwal. Ang pagkakaroon ng disiplina ay isang malaking bagay upang ang mga kabataan ay magkaroon ng nararapat na eduksayon para sa kanila. Kung ang bawat isa ay magkakaroon ng disiplina, kung ito ay paiiralin sa tamang pamamaraan, ang pagkakaroon ng magandang kinabukasan ay abot kamay. Ikaw,kailan mo isinabuhay ang tamang disiplina? Pag-asenso? Umpisahan mo na ngayon and disiplina sa sarili mo at maging mabuting halimbawa upang makamit ang tamang edukasyon.
By: ROBERTO G. DAVID | Teacher III | Limay National High School | Limay, Bataan