Drop-our rate…kanino dapat isisi?

Isa sa mga criteria sa performance ng isang school ay ang drop-out rate ng eskuwelahan. Dito tinataya kung gaano karaming bata ang humihinto sa loob ng taon sa maraming kadahilanan. Ang drop-out rate ay malaki ang epekto sa pangkalahatang performance ng mga paaralan. Subalit sino nga ba ang dapat managot sa mga bata nagda-drop-out of…


Isa sa mga criteria sa performance ng isang school ay ang drop-out rate ng eskuwelahan. Dito tinataya kung gaano karaming bata ang humihinto sa loob ng taon sa maraming kadahilanan. Ang drop-out rate ay malaki ang epekto sa pangkalahatang performance ng mga paaralan.

Subalit sino nga ba ang dapat managot sa mga bata nagda-drop-out of school?

Madalas ay guro ang una at kauna-unahang sinisisi ng mga nakataas sa paaralan kung bakit ang mga bata ay nagda-drop-out. Tungkulin daw ng mga guro na siguruhin na ang mga bata ay mag-eenrol at makakatapos ng pag-aaral hanggang sa matapos ang taon.

Tama at may katwiran naman na ito ay pananagutan ng mga guro dahil sila ang nagtuturo sa mga batang mag-aaral.

Subalit hindi rin naman dapat kalimutan na ang pag-aaral ay nakasalalay sa marami pang ibang factors tulad ng kanyang pamilya – ang personal, pananalapi at panlipunang kakayahan ng mga bata ay malaki rin ang epekto sa kanyang pag-aaral at kung paano siya makapag-aaral.

Paano nga naman makakatagpos ng isang taon sa pag-aaral ang batang milya-milya ang nilalakad bago makarating sa paaralang pinapasukan?

Paano matatapos ng bata ang isang taong pag-aaral kung kailangan din nyang maghanapbuhay habang nag-aaral pantustos sa kanilang pangunahing pangangailangan sa pamilya?

Paano makakatawid ng isang kumpletong grado ang isang batang kung pumasok mula sa maalyong lugar ay hindi lagi nag-aalmusal, walang baong tanghalian, magiing pang-recess at mahaba pa ang lalakarin bago makauwi nang walang laman ang tiyan?

Paano magtitiyaga ang isang batang nag-aaral ng kanyang leksyon sa ilaw ng lampara o ilaw ng poste sa kanilang barangay?

Maaaring sabihing mayrong mga batang sakdal ang sigasig at pagsisikap sa buhay na totoong nakakatawid ng pag-aaral sa buong taon. Ngunit sa panahon ngayon, ilan sa kanila ang ganitong klaseng bata? Mabibilang na lamang natin sa ating mga daliri.

Ang katotohanang malaki ang role ng guro sa pag-aaral ay marapat lamang tanggapin. Subalit ang isisi lamang sa guro at tanging sa guro lamang ang dahilan kung bakit naghihinto sa pag-aaral ang mga bata ay tila hindi naman fair. Lalo pa kung alam naman ng guro ng guro na ginawa na niya lahat ng klase ng paraan ng pagtulong sa bata – kasalo palagi ang mga abtang batang walang baon sa tanghalian, inuunawa na ang mga batang kailangan ding maghanap-buhay habang nag-aaral, binibigyan ng sapat na payo at gabay upang magpatuloy na magsumikap ang bata sa pag-aaral, kinakausap ang pinapayuhan ang mga magulang sa kanilang mga maaaring itulong sa kanilang mga anak sa sarili nilang kakayahan.

Ngunit kung maghinto pa rin ang bata sa kabila ng lahat ng effort na ito ng guro, masisisi pa bang nagpabaya si Ma’am o si Sir?

 

 

 

 

 

 

 

 

By: Rosemarie C. Laxa | Capitangan Elementary School | Abucay, Bataan