DURING DIFFICULT TIMES

Let endurance have its perfect result, so that you may be perfect and complete, lacking in nothing.” Mahirap man magsaya kapag mayroon kang problema, pero pwede ka pa ring maging joyful kahit may pinagdaraanan ka. Remember this, difficult times can be the best of times.   Don’t allow hard times to harden your heart. Hayaan…


Let endurance have its perfect result, so that you may be perfect and complete, lacking in nothing.” Mahirap man magsaya kapag mayroon kang problema, pero pwede ka pa ring maging joyful kahit may pinagdaraanan ka. Remember this, difficult times can be the best of times.

 

Don’t allow hard times to harden your heart.

Hayaan mong patatagin at patibayin ng pagsubok ang iyong character. Pero huwag mong hayaang patigasin ng problema ang iyong puso. Trials are meant to smoothen the rough edges of our character. Hindi nga ba’t ang ginto ay kailangang magdaan sa matinding init ng apoy para mawala ang mga impurities nito. Isipin mo na lang na pinapayagan ng Diyos na magdaan ka sa mga pagsubok dahil nais Niyang higit kang tumatag at lumago. God loves you just the way you are, but He refuses to leave you that way. He wants you to be just like Jesus.

Be hopeful and expectant.

Kapag mayroon kang matinding problemang pinagdaraanan, umasa ka na mayroon din itong magandang ibubunga. There’s always a rainbow after the rain. Pagkatapos ng bagyo, mayroon mang ilang puno na maaaring nabuwal, pero pansinin mo kung gaanong kaganda ng kulay ng mga dahon ng mga halaman kapag ang mga ito’y nadiligan. Expect great things to happen after you go through major blows in your career and business.

Draw near to God.

Sa halip na magtampo ka sa Diyos dahil sa pinagdaraanan mo ngayon, lumapit ka sa Kanya, “Pain is God’s megaphone to rouse a deaf world.” Di nga ba’t kapag nasasaktan at nahihirapan tayo, mas marami sa atin ang naka-aalalang lumapit sa Diyos? The best response to tough times is to draw nearer to God. May problema ka na nga lalayo ka pa sa Diyos, mas malaking problema iyan.

Hard times at work can be the best of times. Have the right heart and attitude – maintain a humble heart, draw near to God and continue to be hopeful and expectant.

By: Ms. Marion D. Guanzon | Administrative Aide IV | BNHS | Balanga City, Bataan