EDUCHILD: PINAIIGTING SA BALANGA CITY!

  Paano nga ba ang maging isang mabuting magulang? Paano nga ba ang tamang pakikitungo sa asawa? Paano nga ba ang pakikitungo sa biyanan? Sa mga inlaws? Sa ating kapwa? Sa ating mga sarili? At lalo sa ating kapaligiran? Kay daming katanungan  na kay daming kasagutan . Mahirap nga ba ang maging magulang? Maging asawa?maging…


 

Paano nga ba ang maging isang mabuting magulang?

Paano nga ba ang tamang pakikitungo sa asawa?

Paano nga ba ang pakikitungo sa biyanan?

Sa mga inlaws?

Sa ating kapwa?

Sa ating mga sarili? At lalo sa ating kapaligiran?

Kay daming katanungan  na kay daming kasagutan . Mahirap nga ba ang maging magulang? Maging asawa?maging manugang? Maging bayaw ,hipag o ate ? o maging matiwasay na mamamayan at maging  tao ng lipunan?

Masasabi kong mahirap na madali sa kadahilanang marami kang isasaalang- alang sa napakasalimuot na hamon ng buhay. Taong 2010 ay ibinaba ang isang programa na patungkol sa pagbuo ng isang pamilya na kakapulutan ng aral sa buhay ng mga mag-asawa at maging sa mga mamamayan ng lungsod ng Balanga .

Sa pangunguna ng ating butihing Congressman Joet Garcia ay umisip sila ng paraan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga kabataan sa kasalukuyan . Bakit kabataan ang nangangailangan ? dahil ito ang nakitang dahilan ng ating  local government na dahilan kung bakit maraming kabataan ang nabubuntis ng maaga, mga magulang na naghihiwalay, mga magbeyanan  na hindi magkasundo. Mga kabataang lulong sa ponography , mga magulang na inaasa ang mga anak sa kani-kanilang mga magulang.

Masarap isipin na may ganitong pamunuan na handang magsaliksik ng mga kasagutan sa lumalalang problema ng kanilang nasasakupan.  Sabi nga ang  pagiging  isang  mabuting   magulang  ay  isang  mahirap  na  debosyon  ng  bawat  isa  .

Ito  ay  parte  nang  ating  Kultura  bilang isang  Pilipino. Ibinibigay at pinaka- iisip nila ang ma-

kakabuti sa kanilang mga supling. Pinangarap nila na bawat supling ay may mabuting hinaharap

sa kinabukasan. Bawat  isa  ay  hinangad  na  makatapos  ang  kanilang  mga  anak  at  makitang

tinitingala  sa   lipunan..   Walang  magulang  ang  naghangad  ng  ikakasama ng  kanilang   mga

supling. Bukang bibig ng mga magulang na ang Edukasyon  lang ang maipapamana  nila sa kani-

lang mga anak. Ayon  sa  batas  Republic  Act  232  na  kilala bilang “ Education Act 1982

“ sec.3 ito ay kumakatawan sa “ Moral  at  makadiyos  na  pananaw”  na  maghahatid  sa  bawat

isa  ng pag-angat   ng  antas  ng  pamumuhay  ng  bawat  nilalang. Dahil  kapag  ang  bawat  tao

ay  nakatapos   sa  mataas  na   edukasyon   bumababa  ang  kahirapan  ng   isang  bansa. Ito din

ang  batas  na  nagsasabi  na  ang edukasyon  ay  walang  pinipiling  edad,  kasarian   paniniwala,

estado   ng  pamumuhay, pantay na pagtingin  kahit  may  kapansanan, at   pilosopiya  sa  buhay.

Upang  maibigay  ang  pantay  na  paniniwala  sa  antas  ng  edukasyon.

Bawat   paaralan  ay  hatid   ang   ibayong  pagtuturo  ng  magandang  edukasyon sa bawat

mag-aaral. At  ang  ating  gobyerno  ay  patuloy  na  sumusuporta   sa  gawaing   makakatulong

na  maibigay  ang  ikakabuti  ng  bawat  mag-aaral . Ang   isang  guro  ang  gumaganap upang

maihatid   natin  ang  ibayong  kaalaman  na  dapat  matanggap  ng  bawat  mag-aaral. Nasa mga

kamay ng isang guro ang ikakabuti ng isang mag-aaral. Dahil ang guro ang nagiging instrumento

at sila din ang nagiging sandigan ng kanilang kinabukasan ay ito ay inaasahan ng kanilang mga

magulang. Kaya   patuloy  na  kumakalap   ng   mga  makabagong   kaalaman  ang   Gobyerno

upang  matugunan   ang   ikakaunlad   ng  isang  mag-aaral.  Sa   kabilang  banda  hindi  lahat  ng

pangangailangan ng  mag-aaral ay naibibigay  ng  isang  guro .kailangan niya  ng  katulong

upang magabayan  nila   ng  maayos ang  isang  mag-aaral.  Mabisang   kapareha  ng  guro  ang

mga magulang  ng  bawat  mag-aaral . Dahil   ang   Pamilya   ang   unang   nagtuturo   ng   unang

edukasyon  sa  mga  bata. Dito  nabubuo  ang  kanilang  pagkatao  sa  kanilang  mga  pamilya.

Ngunit  sa  kasalukuyan  ang  mga  magulang  ay  nagbabayad  na lamang  ng  mga  mag-aalaga

Sa  kanilang  mga  supling .upang  matugunan  nila ang  pangangailangan  ng kanilang mag-anak.

Ayon  kay  Haley  at  Berry  ( 2005 ) na  ang  Tahanan  at  Paaralan  ay  Magkatulong , Na  ang

Mga   magulang  at   pamilya   ay  may  malaking  ambag  sa  paglaki  ng  isang  bata. Lalo na sa

Larangan  ng  kasanayan  ng  pag-aaral.  Karamihan  sa  mga  naghihinto  ay  ang walang suporta

Ng  pamilya at  mga  magulang . Ang  pag-uugali  ng  bata  sa  loob  ng  paaralan  ay  nagmula  sa

kung  ano  ang  kanyang kinalakhan..

Ayon  kay Zara  ( 2005 )  na  ang  mabuting  guro  ay   nalalaman  ang  pangangailangan

Ng  kanyang   mag-aaral.. Alam  ng  guro   na   ang  magulang  ay  ang  pinakamahalagang

Impluwensya   sa  kanilang  mga  mag-aaral.  Pinakamabisang  instrument  sa  mga  ito  ay  ang

Pakikipag-usap  ng  mga magulang  sa  kanilang  mga  anak. Malaking  Paktor  din  na  dapat  ay

alamin  ng  mga  magulang  ang  mga  aktibidad  ng  kanilang  mga  anak  sa  paaralan.  Minsan

hindi  pa  alam  ng  mga  magulang  na  naghinto  na  pala  ang  mga  anak  sa  paaralan .

Ang   iba   naman  ay   nalululong  na  sa  masamang  bisyo.  Nakakalungkot  na isipin  na

maraming  mga  kabataan   ang  sinisira   ang  kinabukasan    upang    mapansin   lang    ng

kanilang    mga  magulang .

Naniniwala   ang   pag-aaral   na  ito  na  malaki  ang  maitutulong  sa maraming  kabataan

At  mga  magulang  upang  matugunan  ang  mga suliranin  ng bawat  isa.

Kaya  ang  Pamahalaan   ng  Lungsod  ng  Balanga  ay  umisip  ng  Paraan   upang   ma-

bigyan   ng  tamang  edukasyon   ang  mga  magulang   kung  paano  mapapalaki  ng maayos

ang   kanilang   mga    supling.Sa paraang ito maihuhubog natin ang ating mga supling ng may takot sa

Diyos at mabuting nilalang ng Bansang Pilipinas. Sa kasalukuyang namamayagpag pa rin ang nasabing kampanya ng ating Programa . At masasabi kong isa ako sa mga nakaavail ng progamang ito at ito ay aking naging sandata upang mapalaki kong maayos ang aking mga supling ng may talot sa magulang, may

Respeto sa kapwa ,sa sarili may matibay na pundasyon na masasandigan nila sa kanilang pagtahak sa buhay ,buo ang loob na humarap sa hamon ng buhay at ang pinaka importante ay may takot sa Poong Lumikha .

Sanggunian:

National Parenting Education Network Core Principles, “ In NPEN National Parenting Education Network “ Nakuha noong Nobyembre 1, 2009 Galing sa http://www. npen  .oreg/ work/core-principles.html  at sinipi kay  Nestor  P. Sison  Desyembre , 2009

Educhild Parenting Program and the Academics Performance of Pupils Basis for Enhancement Program : March 2013  Ellen  C. Macaraeg.

 

Sariling Obserbasyon ni:

Mendoza, Ediesa Paguio Teacher II  @ 2019 , Bataan National High School

 

By: Ediesa P. Mendoza | Teacher II Bataan National High School | Balanga, Bataan