Edukalidad sa Panahon ng Pandemya

Maraming kinahaharap na isyu ang ating bansa ngayong nasa gitna tayo ng laban kontra  COVID 19,Pandemic. Isa sa mga malalaking problema na ito ay ang paghatid ng kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral. Mabilis na tumugon ang kagawaran ng edukasyon sa usaping ito. Naglatag sila ng mga pamamaraan sa paghahatid ng kaalaman sa ating mga…


Maraming kinahaharap na isyu ang ating bansa ngayong nasa gitna tayo ng laban kontra  COVID 19,Pandemic. Isa sa mga malalaking problema na ito ay ang paghatid ng kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral. Mabilis na tumugon ang kagawaran ng edukasyon sa usaping ito. Naglatag sila ng mga pamamaraan sa paghahatid ng kaalaman sa ating mga mag-aaral. Hindi naging madali ang pagdedesiyon ng kagawaran kung itutuloy ba o hindi ang taong panuruan. Sa huli, napagdesisyonang ituloy ito ngunit hindi kagaya ng nakasanayan.

Iba’t iba ang naging paraan ng pagtugon ng mga eskwelahan sa sitwasyong ito. Mayroong mga eskwelahan na lumipat online, mayroon ding mga eskwelahan na nag-offer ng modular mode. Gumuwa ng hakbang ang mga guro upang makapag-abot ng kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral na walang kakayahang makapag online class, sa pamamagitan ng paggawa ng modyuls at activity sheet. Sa ganitong paraan maisasaalang-alang ang estado sa buhay ng mga mag-aaral, pantay na karapatan sa edukasyon sa bawat isa.

Walang dudang hindi naging biro ang sakripisyo ng mga stakeholders, mga guro, mag-aaral at magulang, sa sitwasyong ito. Datapwa’t naging mabigat na pasanin ang pagbibigay ng kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral hindi sumuko ang mga guro sa pagpapaabot nito. Ang mga bagong kaalaman na naikintal sa isipan ng mga mag-aaral ay ang magsisilbing bunga ng mga pawis at sakripisyo sa pagtugon sa suliraning ito.

Ngayong magtatapos na ang panuruang ito, isa lamang ang tiyak. Ang karanasang ito ay magiiwan ng aral na bibitbitin sa pag-abot ng  mga pangarap, ng mga guro na naghatid ng kalidad na edukasyon sa gitna ng pandemya at lalo pa ng mga mag-aaral na buong lugod na tumanggap nito.

Sanggunian:

DepEd TV (2021), DepEd TV Sulong Edukalidad. Quezon City, Philippines. https://www.deped.gov.ph/2020/02/14/sulong-edukalidad-a-move-to-innovate-ph-education-says-briones/.

By: Johnna A. Cordero