EDUKASYON, AKING INTENSION

Edukasyon ang pinakamatibay na pundasyon upang makamit ang ating mga mithiin. Ito ang magsisilbing tulay sa pag abot ng mga pangarap sapagkat kaya nitong baguhin ang buhay ng isang tao. Edukasyon ang pinaka mahalagang pamana ng ating mga magulang. Lahat ng bagay sa mundo ay lumilipas pero ang karunungan kailanman ay hindi kumukupas. Ito lamang…


Edukasyon ang pinakamatibay na pundasyon upang makamit ang ating mga mithiin. Ito ang magsisilbing tulay sa pag abot ng mga pangarap sapagkat kaya nitong baguhin ang buhay ng isang tao. Edukasyon ang pinaka mahalagang pamana ng ating mga magulang. Lahat ng bagay sa mundo ay lumilipas pero ang karunungan kailanman ay hindi kumukupas. Ito lamang ang natatanging bagay na hindi maaagaw ninuman. Ngunit pano nga ba ito maabot sa gitna ng pandemya na dinaranas ng lahat?

Sabi nga ng mga nakakatanda na Edukasyon ang iyong pag-asa dahil ito ang magsasalba sa iyong hinaharap ngunit ang mga sitwasyon ngayon ay nag kakapalit na. pano kung ang edukasyon mismo ang dahilan ng pag kawala ng iyong intension na mabuhay sa mundong ito. Sabi ng iba na hindi na kami natututo dahil pasahan na lng ng mga aktibidad ang basehan para makapasa. Online class ka man o Modular.

Ngayong panahon ng pandemya, tayong lahat ay nagtutulong-tulong para maiusad ang bagong
pamamaraan ng edukasyon kasama ang ating mga guro, magulang, estudyante at iba pang sektor ng edukasyon.

Lubos ngang mahirap ang sitwasyon ngayong may pandemya, sino man ay hirap sa sinasabi nilang “new normal”, ngunit may pagpipilian ba tayo kung hindi ang sumunod na lamang sa agos ng panahon.Marami man ang nahihirapan ngunit kailangan pa din ang sumabay sa naaayon na panahon kaya ang suliraning kinakaharap ng edukasyon ay marapat lamang ng makisabay.

Masasalba mo lang ang iyong hinaharap kung ikaw ay mag papakatatag. Labanan mo ang iyong pagkalumbay sa module bago mo maisip na magpakamatay, wag mo sayangin ang iyong buhay dahil sa sitwasyon na iyong hinaharap. Kung ako sayo ay mag enjoy ka lang, wag mo dibdibin lahat ngproblema at lutasin ito ng paisa-isa. Hindi mo ba naiisip ang dugo’t pawis na inalay sayo ng mga magulang mo makapasok ka lang at iisipin mo lang na magpakamatay? Isipin ang hinaharap at I enjoy na lng ang pag aaral, Hindi mo namalayan na ikaw pala ay nabuhay sa gitna ng pandemya.

May pandemya man o wala, ang edukasyon ay hindi mawawala.

By: Mrs. Arlene Q. Agustin | Teacher I – Social Studies | BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL – SHS | Balanga City, Bataan