Edukasyon ang Pundasyon

Maraming tao ang nagkaroon ng magandang kinabukasan dahil sa kanilang tiyaga nag-aral sila ng mabuti at hinasa ang kanilang kakayahan upang mapaghusayan pa nila ang kanilang ginagawa. Ngunit sa kahit anong galing o anong taas ng estado mo ay hindi mo pa rin ma itatanggi na hindi mo makakamit ang lahat ng ito kung wala…


Maraming tao ang nagkaroon ng magandang kinabukasan dahil sa kanilang tiyaga nag-aral sila ng mabuti at hinasa ang kanilang kakayahan upang mapaghusayan pa nila ang kanilang ginagawa.

Ngunit sa kahit anong galing o anong taas ng estado mo ay hindi mo pa rin ma itatanggi na hindi mo makakamit ang lahat ng ito kung wala ang edukasiyon na pinag-aralan mo nung maliit ka pa.

Lahat ng tao ay binigyan ng pagkakataon mag-aral nasa sa iyo na lamang kung paano mo ito gagamitin upang umunlad ang buhay mo ang paaralan ay para lamang steping stone para sa iyong paglaki.

Edukasyon ang dahilan ng mga pagkakaintindihan ng bawat tao, dahil sa salitang ginagamit nila, tamang asal at iba pa, kung hindi ito lumaganap ay siguro ay patuloy pa rin tayong mangmang at walang narating sa ating lipunan, dahil ang edukasyon ang naging simula ng pagbabago pero marami pa ring tao ang inaabuso ang edukasyon para sa kanilang sarili, kung sa tingin mo ay hindi patas ang mundo para sa iyo ay magsumikap ka hindi dahil mahirap ka ay susuko ka na lang at hindi na susubukang mag-aral, dahil karaniwan sa tao ay kapag naisip na nilang hindi nila kaya ay wala na silang magagawa at masasayang lang ang pagod nila dahil sa iniisip nila na hinidi nila kaya, kahit na may mawawala kapag hindi mo nakuha ang gusto mo ay hindi pa rin iyon kawalan ang edukasiyon na nakuha mo ay magagamit mo pa sa hinaharap at ang pagkabigo mo ngayon ay magiging isang karanasan na magtutulak sa iyo upang mas mapagbuti pa ang iyong sarili.

Hindi lahat ay madali kapag hindi ka sumuko ay ikaw ay magwawagi, huwag mong hayaang iyong sarili ay nakatali, dahil kahit na gaano kahirap man ang  isang bagay ay habang hindi ka humihinto sa pagsubok ay ang imposible ay puwedeng maging posible.

By: ANATALIA P. VIOLETA SCIENCE TEACHER