EDUKASYON: Ating Sandata

Ang edukasyon ang ating sandata upang mkamit ang minimithing magandang buhay. Ang paghahanda para sa ating kinabukasan ang mabisang paraan upang makasiguro tayo sa ating pamumuhay. Ang isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya ay ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon. Nagsisilbi itong…


Ang edukasyon ang ating sandata upang mkamit ang minimithing magandang buhay. Ang paghahanda para sa ating kinabukasan ang mabisang paraan upang makasiguro tayo sa ating pamumuhay.

Ang isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya ay ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon. Nagsisilbi itong mekanismo na humuhubog sa ating isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa. Nagiging daan ito upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa buhay, pagkatao at sa lugar na ginagalawan.

Edukasyon ang ating sandata, ang tanging yaman na hindi makukuha o mananakaw ninuman sa ating mundong ginagalawan.

By: El Shiela Marie D. Carlos