EDUKASYON DAPAT BIGYANG PRAYORIDAD

Hindi maikakaila na ang isa sa napabayaang institusyon sa ating bansa ay ang EDUKASYON, Ito rin ang may pinakamalaking problema na hanggang sa kasalukuyan ay hindi mabigyang kalutasan. Habang patuloy ang paglobo ng populasyon ay patuloy ding dumarami ang bilang ng mga mag-aaral, lalo na sa mga pampublikong paaralan.  Bunga nito, lumala ang kakulangan ng…


Hindi maikakaila na ang isa sa napabayaang institusyon sa ating bansa ay ang EDUKASYON, Ito rin ang may pinakamalaking problema na hanggang sa kasalukuyan ay hindi mabigyang kalutasan. Habang patuloy ang paglobo ng populasyon ay patuloy ding dumarami ang bilang ng mga mag-aaral, lalo na sa mga pampublikong paaralan. 

Bunga nito, lumala ang kakulangan ng mga guro, empleyado, mga pasilidad at mga aklat dahilan sa kakulangan ng pondo para sa edukasyon.
Gayon man, may solusyon pa upang malutas ang lumolobong problema sa edukasyon, Ang dalawang makapangyarihang sangay ng ating pamahalaan, ang Lehislatura at ehekutibo ay dapat bumalangkas ng mas epektibo at komprehensibong plano lalot higit sa paglalaan ng sapat na pondo upang matustusan ang pangangailangan, upang magtuloy-tuloy ang pagtaas ng kalidad ng edukasyon. Nararapat din na taasan ang sahod ng mga guro at kawani , pagkalooban ng mga karampatang benepisyo upang lalo pang tumaas ang kanilang moral. Kaya naman nararapat lamang na bigyan prayoridad ng pamahalaan ang edukasyon sapagkat ito ang pinakamahalagang pormula sa pagsulong ng ating Bansa.

By: Norberto S. Baltazar- Utility Orani National High School – Main