“Edukasyon ay di mananakaw ninuman, kultura ang pinagkalooban ng mga paniniwala’t kaugalian, palakasan ang daan sa pakikipagkaibigan, sandatang kailangang maangkin ng mga kabataan.”
Marami ang nagsasabing mahalaga ang edukasyon. Ito daw ang daan para sa magandang kinabukasan. Ako mismo ay naniniwala doon kapag tayo ay may sapat na kaalaman at nakapagtapos ng pag-aaral marami tayong mararating.
Lahat tayo ay may kanya kanyang pangarap. Karamihan sa atin ay pangarap na makapagtapos ng pag-aaral o di kaya ay magkaroon ng isang magandang buhay sa ating hinaharap. Sino nga ba naman ang nangangarap magtinda ng yelo sa kanto? Sumigaw ng ballot, ballot, ballot tuwing gabi? Umupo sa daan upang mamalimos? Wala diba? Ngunit kung hindi natin pagbubutihan ang pag-aaral maari tayong mapunta sa kalagayang iyon.
Mahirap ang daan upang makakuha ng kumikinang diploma. Isa ako sa maaring magpatunay niyan. Maraming kailangan pagdaanan upang makamit an gating pangarap. Nandyan ang mga nakakahilong mga proyekto at nakakadugong mga eksamin.
Nang ako ay hayskul pa lamang lahat ng ginagawa ko ay ang hindi magseryoso sa pag-aaral. Ewan ko na nakakaraos naman ako kahit di nag-aaral.
Nang ako ay magkolehiyo na nabago ang lahat. Kapag terror ang prof ikaw ay hindi dapat lumiban dahil sa kuhanan ng class card(5) cinco ka malamang. Dapat ang project on time. Ibang-iba sa hayskul.
Sa totoo lang mahirap sa akin ang magseryoso lalo sa pag-aaral. Peron sa tuwing iisipin ko ang pangaral ng aking mga magulang mas mahirap ang walang marating at mapagiwanan at ang walang matapos na kurso.
Ang buhay estudyante minsan lang dadating sa buhay ng tao. Sa panahong nabigyan tayo ng pagkakataong makapag-aral huwag nating sayangin. Marami man tayong matututunan sa labas ng silid-aralan iba padin ang mga una nating natutunan sa paaralan. Ang diploma ay hindi lamang sumisimbolo sa taon ng pagsusunog ng kilay hindi lang ito kapirasong papel na maaring maluma ng panahon; sumisimbolo ito ng ilang taon nating pagsusunog ng kilay at higit sa lahat ang pagkatuto ng kaalaman na hindi mababawi ng sinuman.
By: Marc Ian M. Mangobat | T-I |Mariveles National High School