EDUKASYON MO, EDUKASYON KO

Edukasyon….isang salita, mabigat ang kahulugan Malalim pa sa pinakamalalim na karagatan Ngunit ang dala nitoý magandang kinabukasan Sayo, sa kanila, sa akin at sa lahat ng kabataan. Lahat tayo ay may karapatang magkaroon ng tamang edukasyon, Edukasyong sagot sa lahat ng paghihirap at kasalatan ng buhay mo ngayon, Oo!…isa ito sa pinkamalaking sagot…sa bawat tanong,…


Edukasyon….isang salita, mabigat ang kahulugan

Malalim pa sa pinakamalalim na karagatan

Ngunit ang dala nitoý magandang kinabukasan

Sayo, sa kanila, sa akin at sa lahat ng kabataan.

Lahat tayo ay may karapatang magkaroon ng tamang edukasyon,

Edukasyong sagot sa lahat ng paghihirap at kasalatan ng buhay mo ngayon,

Oo!…isa ito sa pinkamalaking sagot…sa bawat tanong,

Kung itoý papahalagahan mo at samahan ng determinasyon,

Determinasyong tila ba, kasintatag ng pundasyon.

Pundasyong pinagtibay ng samo’t saring inspirasyon,

Inspirasyong magmumula sa iyong pangarap, pamilya at karelasyon,

Relasyong pinagsama-sama ng mapait na kahapon.

Kahapon…kahapong babalikbalikan mo na may ngiti sa labi,

Labing sandata mo, upang saloobin mo ay marinig,

Nanginginig sa bawat salitang lumalabas sa bibig,

Bibigkasin nang malakas at buo ang tinig.

Tinig na nagpapahiwatig na ikaw ay may galing angkin,

Na ipapamalas mo upang makamit anumang mithin,

Mithiing kasing kinang at taas ng bituin,

Bituing kailan man di kukupas ang ningning.

Ngunit, edukasyon mo ba ay iyong pinapahalagahan,

Kung barkada nalang ang pinapakinggan,

Guro moý hinahanap ka at nilibot buong paaralan,

Nagbabakasakali siyang ikaw ay matagpuan.

Kabataan, itigil mo na ang iyong kabaluktutan,

Bago pa ang lahat ay mapunta sa wala at pagsisihan,

Marahil nga ang karanasan ko noon ay iba sa kasalukuyan,

Ngunit ang edukasyon ko noon, sa ngayoý aking puhunan.

Upang mga hamon sa buhay ay malampasan,

Gumising ka kabataan, edukasyon ay pahalagahan,

Itoý sayo at di mananakaw ng kahit sinuman,

Pagbutihin mo, upang wastong edukasyon iyong makamtan.

By: Mrs. Lady Jean V. Gatdula | Teacher I | Bataan National High School | Balanga City, Bataan


Next