EDUKASYON…SANDATA SA MAPANGHAMONG BUHAY

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan. Mataas na antas ng edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating paaralan.Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon…


Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan. Mataas na antas ng edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating paaralan.Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhayang siya pa ring dapat piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung pinagsamang katalinuhan mula sa ibat-ibang asignatura ng paaralan at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.

 

Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap, at sa kinabukasan.Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa  kapwa ng isang tao.Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.

 

Sa mundong ito na puno ng pangamba sa mga bagay na nakakahadlang sa pagtatamo ng de kalidad na edukasyon, marami  tayong magagawa upang makamit ang tagumpay laban sa mapanghamong gulong ng buhay. Bilang mga guro, ang nagsisilbing instrumento ng pagbabago

bigyan halaga ang lahat ng ating mga mag-aaral , imulat ang isipan nila na sa mundong ito hindi

puro saya at kailangan nilang paghandaan ang panahon na kanilang kakaharapin..

 

         EDUKASYON  ang magiging sandata ng kabataan  tungo sa magandang KINABUKASAN…..

 

By: JASMIN B. DUNO | Teacher III | MARIVELES NATIONAL HIGH SCHOOL-CABCABEN