Edukasyon, Susi sa Kahirapan

            Hindi, dahil mahirap ka, mababa lang ang pwesto mo sa lipunan. Hindi, dahil mahirap ka, hindi mo na kakayaning paglingkuran ang ating bayan. Hindi, dahil mahirap ka mananatili kang mahirap sa paningin ng ibang tao.             Ang paaralan ay hindi lamang institusyong pang-akademya, ito rin ay maaaring isang “training…


            Hindi, dahil mahirap ka, mababa lang ang pwesto mo sa lipunan. Hindi, dahil mahirap ka, hindi mo na kakayaning paglingkuran ang ating bayan. Hindi, dahil mahirap ka mananatili kang mahirap sa paningin ng ibang tao.

            Ang paaralan ay hindi lamang institusyong pang-akademya, ito rin ay maaaring isang “training ground” ng mga kabataan upang maihanda silang iharap ang kanilang sarili sa realidad ng buhay. Hindi madaling makipagsapalaran sa mga hamon na ibinabato sa atin. Hindi rin tayo makakaahon sa mga hamong ito, kung kapos ang ating kamalayan. Kaya nga, may edukasyon upang hubugin ang ating pagkatao, linangin ang ating kakayahn at bigyan tayo ng kaalaman.

            Hindi ba tayo nababahala sa mga taong hindi nakakapag-aral? Kung nais natin ang pag-unlad sa ating bansa, ito’y nasa kamay ng mga musmos sa kasalukuyan. Kaya’t nararapat lamang na sila’y makapasok sa apat na sulok ng silid-aralan at ipagkaloob ang karapatan nilang makapag-aral upang matutunan ang mga bagay na makakatulong sa pagpapaunlad ng kanilang pagkatao. Magkaroon sila ng isang mataas at matibay na pundasyon ng edukasyon na magiging saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.

            Ayon sa mga pag-aaral, maliban sa kamatayan, edukasyon ang masasabing “great social equalizer”.Dahil dito, nagiging pantay ang pagkakataon sa lipunan ng  bawat mamamayan

, mayaman man o mahirap. May paniniwala rin na sa isang mulat at edukadong lipunan, edukasyon din ang pinakamahusay na tagapagtaguyod ng demokrasya.

            Susi ang edukasyon sa bawat pinto ng mga oportunidad. Kung tayo ay mayroon nito, magagawa nating buksan ang mga pagkakataong tamasahin ang mga magagandang bagay na pinapangarap ng karamihan. Kaya’t   ang bawat isa ay may kakayahang pataasin pa ang kalidad nito upang mas lalong maging kapaki-pakinabang para sa lahat.

            Hindi hadlang ang kahirapan sa taong gustong magsumikap. Dahil tanging edukasyon lamang ang tanging sagot upang maibsan ang kahirapan—pisikal, materyal at ispiritwal man.

By: Catherine T. Acuzar Teacher I Bataan National High School