Nagsimula ang lahat sa paaralan,
Ika’y aking nakilala nang tuluyan,
Nang lumao’y nauwing magkaibigan,
Ito’y patungo sa pagmamahalan.
Naumpisahan sa isang biro lamang,
Nang tumagal naging makatotohanan,
Lahat ng araw sadyang makabuluhan,
Basta’t ikaw ang aking sinasamahan.
Anumang pagsubok ang aking hinarap,
Hindi ako iniwan sa saya’t hirap,
Ikaw ang siyang aking naging sandalan,
Iyakan at nagsilbi bilang takbuhan.
Ngayong ikaw ay tuluyang umalis na,
Ginawa mo’y sadyang nasaktan tuwina,
Pagmamahal sa’yo binalewala lamang,
Nasayang nang walang patutunguhan.
By: Anita R. Catain