Ang buong mundo ay hindi naging handa sa paglaganap ng Pandemya (COVID 19) lalo na pagdating sa mga mag-aaral, halos humigit sa dalawang taon ng mawalan sila ng pagkakataon na makatungtong ng paaralan. Kung saan umusbong ang tinatawag nating modular class na hindi naging madali sa bawat studyante at maging sa mga guro. Isa ito sa dahilan ng pagkawala ng interes ng mga kabataan pagdating sa edukasyon. Dumating ang pagkakataon na halos alalahanin nalang nila ang nagaganap sa loob ng paaralan noong panahon na face to face class, kung saan papasok ng maaga, makikinig saguro, makikipag kwentuhan sa kamag-aral at bago uuwi ng tahanan. Kung ating iisipin ano nga ba ang maganda at hindi magandang naidulot ng pandemya sa mga mag-aaral? Ano ang masmananaig ang face to face class o ang modular class?
Kung ating pagkukumparahin ang Face to Face at Modular class pareho itong may magandang naidulot at may hindi magandang naidulot sa pag-aaral ng mga kabataan. Mauna na nating talakayin ang magandang naidudulot ng face to face class na noon pa man ay atin ng isinasagawa. Face to Face class kung saan nagkikita-kita ang mga mag-aaral at ang guro, nagkakaroon ng interaksyon, nakapagbabahagi ng kaalaman sa isa’t-isa. Dito naibibigay ng guro ang sapat at tamang kaalaman na dapat matutunan at maisabuhay ng bawat studyante. At ditto mas nabibigyang kabuluhan ang pag-aaral ng mga kabataan. May ilang bagay ang hindi sinasangayunan ng mga magulang patungkol sa face to face class lalo na sa panahong ito. Gaya na lamang ng kakulangan sa financial upang makapasok ang kanilang mga anak sa paaralan, at gawa narin ng masamang paligid na halos araw-araw ay may nawawalang mga kabataan at hindi lang kabataan maging matatanda.
Dumako tayo sa tinatawag nating modular class kung saan ito ang naging paraan ng mga guro upang patuloy na mabigyang kaalaman ang mga studyante sa panahon ng pandemya. Module ang nagsilbing gabay ng mga mag-aaral habang nasa gitna tayo ng pandemya, Dito ibinibigay ng mga guro ang dapat gawin at dapat aralin ng mga mag-aaral mapa printed materials o gamit ang ilang mga social media accounts. Sa pamamagitan nito hindi huminto ang daloy ng pag-aaral ng mga kabataan. Isa pa sa magandang naidulot ng modular class ay hindi kailangan pumunta sa paaralan at gumastos ng transportasyon at hindi gumugugol ng malaking halaga. Ngunit may hindi magandang naidulot ang modular, dahil sa paraang ito nabawasan ang pagkatuto ng mga kabataan na tumayo sa sarili nilang mga paa pagdating sa pag-aaral, ang iba ay inasa na sa magulang ang pagsasagot ng module na dapat sila ang gumagawa. At marami ang nawalan ng interes sa pag-aaral dahil narin sa lugar na kanilang ginagalawan hindi tulad sa paaralan nakatutok sa itinuturo ng guro.
Alam naman natin na ang isa sa pundasyon ng pagiging isang matagumpay sa buhay ay ang makapagtapos ng pag-aaral. Kung kaya’t ang mga magulang ay nagsusumikap para sa kanilang mga anak upang mabigyan ito ng mga pangangailangan hindi lamang pangsarili kundi para sa pag-aaral. Kaya ang nais ng mga magulang ay mabigyan ang kanilang mga anak ng maayos na edukasyon at sa paraang face to face class magagawa ng mga guro na mabigyan ng mataas na edukasyon ang bawat kabataan at mahubog ang kanilang pagkatao.
By: Mary Jane A. Martinez|Teacher III |Cataning Integrated School|Balanga City, Bataan