“Huwag muna kayong umalis! Hintayin ninyong makaalis ang eroplano.”
Sipat dito, sipat doon. “Nakaalis na kaya si daddy?”
“Krrrinnnggg… naiwan ko ang travel pillow sa kinaupuan ko, nagmamadali akong lumipat ng ibang eroplano baka maiwanan ako.”
Nakaalis din kami sa wakas. Lipat dito, lipat doon. Papalit-palit…palipat-lipat. Bigla akong nakadama ng panlulumo. Nanghihina ako. Baka hindi ako papasukin sa bansang pupuntahan ko, marami akong pangarap, marami akong nais abutin.
Bumulaga ako sa pinto, nagulat ang aking mag-ina. Naiyak ang aking asawa, “daddy paano na yan?” Nagtatanong din ako, “paano na ngayon?”
Lumipas ang araw, kayod dito, kayod doon…bayad dito, bayad doon. Naghigpit kami ng pantalon. Nagising ako isang araw, kaya naman pala at nasambit ko, “Salamat Panginoon!”
By: Vilma S. Pelayo | Teacher III | Olongapo National High School | Olongapo City