Grade 1…kailangan ng grade 100 na pasensya

Ang pagiging guro ay isang propesyon na dahil mga bata ang tuwiran mong kinakalinga, nangangailangan ito ng super pasensya at pinakamainam na tender love and care. Sa edad na 6, ang mga batang grade 1 ay nagsisimula ng maging bahagai ng pormal na pag-aaral. Kung nung nasa Kinder o Day Care Center sila ay mas…


Ang pagiging guro ay isang propesyon na dahil mga bata ang tuwiran mong kinakalinga, nangangailangan ito ng super pasensya at pinakamainam na tender love and care.

Sa edad na 6, ang mga batang grade 1 ay nagsisimula ng maging bahagai ng pormal na pag-aaral. Kung nung nasa Kinder o Day Care Center sila ay mas malamang na naglalaro habang nag-aaral kung hindi man sila natutulog, sa grade 1 ay mararanasan na nila ang mas masidhing paraan ng pag-aaral kung saan ang kanilang mga gawain ay binibigyang ng angkop na grado.

Subalit sa kabila nito, hindi maiaalis sa mgaa batang maliliit na ito na para pa rin silang naglalaro habang nag-aaral. Hindi nila talaga naisasabuhay na sila ay mga batang mag-aaral na dapat maturuan ng lahat ng tama at wastong gawi at ugali.

May mga bata pa rin na pag nagustuhang huwag magsulat ay hindi mo na mapagbabago ang isip – pag nasumpungang umiyak, ay iiyak na lamang na akala mo ay may namatay na kamag-anak.

May mga batang pag hindi napansin ng guro ay hahampasin ang guro habang umiikot at nagtsetsek ng mga gawain ng mga bata. Magugulat ka pero may mga bata na ring kahit super liit pa ay super din naman ang lutong kung magsabi ng mga salitang hindi mo aakalaing kaya nilang sabihin o alam na nila.

May mga batang kahit yata kausapin nang ubod hinahon ay hindi na lamang kikibo na akala mo ay wala kang kausap.

Sila ang mga batang karaniwan natin makikita sa araw-araw sa grade 1 – mga batang wala kang magagawa kung hindi laging intindihin at pagpasesnyahan dahil bata nga lang sila. Kailangan humanap ng sangkaterbang pasensya para hindi ka mapuno, hindi ka mapundi at hindi mayamot.

Kailangan natin silang pagpasensyahan dahil yan ang role natin sa buhay nila, hubigin at turuan sila sa pinakamapagpasensyang paraan.

 

 

 

 

By: Joyce Anne Reyes | Tomas Pinpin Memorial Elementary School | Abucay, Bataan