Ang Gulay ay pampahaba ng buhay. Ito nagbibigay ng sustansya sa katawan ng bawat indibidwal lalo na sa mga batang mag-aaral. Ang mag-aaral na may mahinang pangangatawan ay naapektuhan ang pag-aaral.
Ang Gulayan sa Paaralan ay isang solusyon upang matugunan ang kakulungan sa pagkain. Kaya ang mga mag – aaral ay nagtatanim ng gulay upang may maidagdag sa mga lulutuin para sa “School Feeding Program” ng paaaralan na ipinakakain sa mga batang may kakulangan sa timbang o mga malnourished.
Sa pagtutulung – tulong ng mga magulang, paaralan at ibang miyembro ng pamayanan ang gulayan sa paaralan ay nagiging malaking sandata laban sa malnutrisyon. Natututo din ang mga bata na pangalagaan at mahalin ang kalikasan. Itinuturo rin ng gawaing ito ang pagmamahal sa sarili at buhay.
By: Leslie Ann G. Viray | Teacher III | WAKAS ELEMENTARY SCHOOL | PILAR, BATAAN