Nag aral upang kaalaman ay makamtan
Sa paglipas ng ilang taon sa kolehiyo,
Diploma’y nakamit at kakayaha’y nalinang
Guro na, isang gurong tunay
Lahat ng kaalaman ngayon ay ibabahagi
Bawat mag-aaral sa realidad ng buhay iwawaksi
Oras, atensyon pati na pag aalaga ibinubuhos
Sa bawat mag-aaral dalangin ay kaunlaran
Guro ako, Guro na bumabangon tuwing umaga
Dala ang pag asang makakaiumpluwensya at makakagagawa ng pagbabago
Guro na nagnanais maging iba ang buhay ng bawat mag aaral
Guro na ang debosyon sa pagtuturo di natatapos
Gurong humaharap sa hamon ng buhay,
Maging sa hamon ng kasalatan sa lahat ng kagamitan
Propesyong maipagmamalaki sa bawat tao
May kakayanang bumago ng buhay
May dedikasyon at pagpapahalaga sa kaalaman
Bayaning maituturing sa aming munting paraan
Ako’y Guro, Hindi Guro lang
By: Marvin S. Santiago|Teacher II |BNHS TLE Department|Balanga City, Bataan