Guro , Ang Aking Pag-asa

Para sa mga minamahal ko na guro , ngayon pa lamang ako ay nagpapabatid na sa inyo ng pasasalamat . Sa gabi-gabing pagpupuyat upang gumawa ng aming aralin , Sa inyong pasensya na tila walang hanggang. At sa pakikinig sa aming mga sambit . Mga aral na aking hinahalukipkip sa puso’t isip . Walang kapantay…


Para sa mga minamahal ko na guro , ngayon pa lamang ako ay nagpapabatid na sa inyo ng pasasalamat .

Sa gabi-gabing pagpupuyat upang gumawa ng aming aralin , Sa inyong pasensya na tila walang hanggang.

At sa pakikinig sa aming mga sambit . Mga aral na aking hinahalukipkip sa puso’t isip . Walang kapantay na pagmamahal na nagmumula sa taong di kaano-ano ngunit napakabusilak ng puso.

Sa pagtitiyaga na unawain ang baluktot naming pag-uugali . Paghahanap kapag kami ay wala sa inyong klase.

Pag-aalala kapag kami ay malungkot o may nararamdaman . Sa mga pangaral ninyo sa buhay . Guro , ikaw ang aming pag-asa. Ikaw ang aming pag-asa na harapin ang bagong hamon ng edukasyon . Ikaw ang magsisilbing ilaw sa madilim at malabong paligid.

Ikaw ang magsisilbing daan sa aming mga pangarap . Sa paggabay na landas na aming tatahakin . Sa pagpupuno ng pagmamahal sa loob ng eskwelahan. Naalala ko pa nga ang isa sa mga naging guro ko ang kanyang sambit ikaw ay magsumikap ng sangayon ay gumanda ang iyong kinabukasan . Hindi ka pwede na maging mahirap na lamang habang buhay . Iaangat mo ang iyong sarili mag-aral ka nang mabuti .

Siya ay dalaga walang asawa ngunit ituring ako ay parang isa nyang anak , hindi nya ko tinignan base sa aking pisikal na kaanyoan o katayuan sa buhay . Ako ay patpatin at kulot kulot na buhok na kung minsan ay tamad pa na magsuklay ang katayuan ko sa buhay ay laki sa hirap nagduldol ng asin sa kaning walang ulam .

Ngunit ,  hindi ito tinignan ng aking guro bagkus ang mga talento ko sa pagkanta , pagpipinta , at paggagawa ng mga sanaysay. Madalas din nya ako na mapagalitan kapag ako ay nagkakamali o nalilihis ng landas ngunit itinuring ko ito bilang pangaral ng isang ina sa kanyang anak . Tinulongan nya ako , na mahanap at makilala pa aking sarili . Siya ang naging pag-asa upang matupad ko ang ngayon nakamit na katayuan sa buhay .

Kinuha na nga siya ng may kapal , ngunit siya ay nanatili sa aking puso’t isipan . Ngayon ako na ay isa ng ganap na guro ng Araling Panlipunan . Kung nakikita man ako ng aking guro ngayon malamang maging masaya siya natupad ko ang aking mga pangarap na makapagturo nalabanan ko ang kahirapan ng buhay naging inspirasyon at tumulong sa ibang tao . Salamat aking guro.

By: Ethelrine A. Villanueva