Guro at Pandemya

            Hindi lahat ng pagbabago ay masaya. Isa na roon ang pagbabagong dala ng pandemyang nararansan natin sa nakalipas na dalawang taon. Isa sa sa mga sektor na apektado ay ang sektor ng edukasyon. Ang mga guro ay napakaraming dapat gawin, dapat matutuhan upang muling makatayo matapos ilugmok ng pandemyang biglaang dumating sa buhay ng…


            Hindi lahat ng pagbabago ay masaya. Isa na roon ang pagbabagong dala ng pandemyang nararansan natin sa nakalipas na dalawang taon. Isa sa sa mga sektor na apektado ay ang sektor ng edukasyon. Ang mga guro ay napakaraming dapat gawin, dapat matutuhan upang muling makatayo matapos ilugmok ng pandemyang biglaang dumating sa buhay ng bawat isa.

            Pero ang mga gurong ito – tayo, ay hindi basta – basta susuko, handa tayo sa lahat ng pagsubok na ibabato sa atin. Handa tayong matuto, handa tayog muling itawid ang isa na namang taon para makaalpas sa bagong hamon na dala ng bagong normal na ating kinahaharap.

            Ang mga guro ay ang simbolo ng bagong pag-asa para sa mga estudyanteng nawawalan ng pag-asa, ang mga estudyante ang nagsisilbing inspirasyon ng bawat guro upang pagbutihin ang ating mga sarili sa gitna ng pandemyang ito.

            Malaki ang pagbabagong ating kahaharapin, ngunit hindi natin ito susukuan. Handa ang guro sa lahat ng oras.

By: Jenny C. Salaveria | Teacher I | Bataan National High School