Ating alamin laman ng puso ng isang guro
Bibilang ako ng isa hanggang tatlo
Pakikinggan tibok ng kanilang puso
Sisiyasating tunay pinipintig nito
Sa nangyaring pandemya, isa ang guro sa labis na nag-alala
Kaya ang una, lungkot at pangamba totoo nilang nadama
Unang naisip, estudyante minamahal nila
Tanong sa isip, paano’ng edukasyon nila
Hamon din sa kanila itong matuturing
Paano itatawid kalidad ng edukasyong kanilang hinihiling
Dahil kung hirap ang mga estudyante sa distance learning
Tiyak na ang guro’y parang din ditong mapapraning
Naging malaki ring bahagi ngayon ang teknolohiya
Kaya’t pangalawa takot kanilang nadama
Ngunit mahigpit na yakap dito’y isinalubong nila
Mahirap man, dapat kayanin para sa mga mag-aaral nila
Tayo nang dumako sa pangatlo, may hinuha ka na ba kung ano ito?
Nako! Maaari ko kayang sabihin ito?
Ngunit, dahil huli naman na, ito na’t sasabihin ko
Sabado at Linggo, sa kanila daw inyo nang ibalato.