Guro, Isa Kang Bayani

Guro, isa kang bayani Hindi nagpapatinag, hindi nagpapadaig Anumang unos ay kaya mong lampasan Matupad lamang ang iyong simpleng hangarin Guro, isa kang bayani Ilan mang sakuna o kahit pandemya pa ang dumating Patuloy kang lalaban, patuloy na magsisilbi Tangan tangan ang pag-asa para sa kinabukasan Guro, isa kang bayani Hindi man sintalas ng gulok…


Guro, isa kang bayani

Hindi nagpapatinag, hindi nagpapadaig

Anumang unos ay kaya mong lampasan

Matupad lamang ang iyong simpleng hangarin

Guro, isa kang bayani

Ilan mang sakuna o kahit pandemya pa ang dumating

Patuloy kang lalaban, patuloy na magsisilbi

Tangan tangan ang pag-asa para sa kinabukasan

Guro, isa kang bayani

Hindi man sintalas ng gulok ang iyong sandata

Katawan mo ma’y hindi sinlaki ng kay Malakas

Higit pa sa digmaan ang kaya mong suungin

Guro, isa kang bayani

Sandigan ng bawat kabataan na iyong makasalamuha

Tibay ng iyong kalooban at lakas ng iyong katawan

                                                         Walang pag-iimbot na iaalay

Guro, isa kang bayani

Hindi man nila makita ang iyong halaga

Maliit o mahina man ang tingin nila sa’yo

Mga buhay na iyong binago ang magsisilbing patunay

Guro, isa kang bayani

Habambuhay kang nakatatak sa isip

Mga kwento at leksyon mong pabaon

Siyang humulma sa aming kinamalayan

Guro, higit ka pa sa kang bayani

Digmaan na iyong nilalabanan ay hindi nadadaan sa dahas

Ang misyong tuldukan ang kamangmangan

Buksan ang isipan ng bawat kabataan para sa maunlad na kinabukasan

By: Mr. Noel Aratan Mendoza