Guro: Maghihinto lamang kung…

Ikaw ba na nagbabasa nito ay isang guro?kung oo, maaaring huminto ka muna at balikan mo sa iyong alaala ang mga masasayang bagay at pangyayaring naranasaan mo sa iyong pagtuturo.. Ngayon, handa kana bang malaman ang kabuuan ng aking kwento? Maraming kwento ng tagumpay ang umere sa mga palabas, nabasa sa mga print magazine, at…


Ikaw ba na nagbabasa nito ay isang guro?kung oo, maaaring huminto ka muna at balikan mo sa iyong alaala ang mga masasayang bagay at pangyayaring naranasaan mo sa iyong pagtuturo.. Ngayon, handa kana bang malaman ang kabuuan ng aking kwento?

Maraming kwento ng tagumpay ang umere sa mga palabas, nabasa sa mga print magazine, at hinangaan ng marami.Sila ay hindi mga nagsipagtapos ng pagiging guro subalit sa pagtunghay sa kanilang buhay ay nagiging guro sila sa mga tagatunghay dahil natututo ang mga ito sa kanilang mga buhay.

Samantala ang mga guro na mismong naranasan ang pagtuturo sa isang pormal na klase ay ay mga pagkakataon na nais talikdan ang kanilang pagiging guro.Ano nga ba ang mga dahilan bakit nangyayari ang ganitong sitwasyon sa ating mga kaguruan? Tunghayan natin ang ibat ibang dahilan..

  1. 1.Pagkakaroon ng anak

Ito ay usaping prioridad. Kung ang isang guro ay may anak at nais niyang matugaygayan ang paglaki ng kanyang anak talagang iiwan niya ang pagtuturo.Samantala hindi niya lubusang iniwan ang pagiging guro dahil siya ay mananatiling guro ng kanyang mga anak.

  1. 2.Maliit na sweldo

Ito ang isyu na lagi nakasangkap kapag pinag uusapan ang mundo ng pagtuturo.Walang gurong yumayaman maliban nalang kung bukod sa pagtuturo ay may iba ka pang negosyo.Kung wala at hindi umaabot ang sweldo malamang maghahanap ng ibang mapagkakakitaan.

  1. 3.Health Concerns

Kung masasakitin at hindi talaga makaya ang pagtuturo ito ang isa sa mga valid na dahilan sa paghinto sa pagtuturo. Sa una, hindi ito pangmatagalan.yung tipong magpapahinga o magpapalakas lamang, ngunit bandang huli nagiging permanente na ang paghinto ng isang guro.

  1. 4.Na promote, naging isang administrador ng isang paaralan

Huminto man sa pagtuturo subalit pinaglilingkuran pa din niya ang mga kabataan.Ito ang isang magandang paghinto dahil hindi man magtuturo patuloy pa din na nasa  puso ang kapakanan ng kabataan sa pamamagitan ng pangunguna at pagbibigay gabay sa mga direktang guro ng kabataan.

 

Ano man ang mga dahilan at magiging dahilan pa, alam ko at sa abot ng aking pananaw  ay mananatiling guro sila sa kanilang sariling kaparaanan.

 

 

By: Juni D. Rosario | Teacher I | Bataan National High School | Balanga City, Bataan