GURO: MAGING MATIYAGA, AT ITO AY IYONG AANIHIN

Marami ng sitwasyon sa tunay na buhay ang nagpatunay na kapag matiyaga ang isang tao, siya ay may  kakamting tagumpay sa bandang huli, ibig sabihin, hindi dapat sumuko sa mga paghihirap na dinaranas sa kasalukuyan, maging ito ay may kinalaman sa pagiging guro o sa iba pa mang aspeto sa buhay. Halimbawa, kung isa kang…


Marami ng sitwasyon sa tunay na buhay ang nagpatunay na kapag matiyaga ang isang tao, siya ay may  kakamting tagumpay sa bandang huli, ibig sabihin, hindi dapat sumuko sa mga paghihirap na dinaranas sa kasalukuyan, maging ito ay may kinalaman sa pagiging guro o sa iba pa mang aspeto sa buhay. Halimbawa, kung isa kang Teacher 1 sa kasalukuyan, bakit hindi ka magpa-enroll sa Graduate School at mag-aral pa. Subukan mong lumahok sa iba’t-ibang gawain sa paaralan.kahit na gawin ka pang Chairman ay huwag mo itong tanggihan. Ito ay isang paraan upang makita nila ang iyong galing.

Mas mahalaga ang maging matiyaga kaysa sa magaling magsalita para magtagumpay sa buhay. Sabi nga ng klasikong linya sa Tagalog “Kapag may tiyaga may nilaga.” Marami na tayong nakita na kasamahan nating guro, na marunong naman, ngunit bakit napag-iwanan? Hanggang sa kasalukuyan ay Teacher I pa din siya. Marahil ay kulang siya sa pagtitiyaga, dapat  naisip niya na sana ay nasa mataas na puwesto na siya at nadagdagan na ang kanyang kita.

Dapat din nating malaman na walang maikling daan para sa minimithing tagumpay. Ang lahat ay nagdaraan sa tiyaga at paghihirap upang maabot ang langit. Kung ganoon, ano ang mga bagay na dapat nating taglayin upang sa kabila ng iyong pagnanais na makamit ang tagumpay at tapang na harapin ang lahat ng ito, ay hidi ka din umaangat sa iyong kinalalagyan. Marahil ay madali kang mainip, puro ka lang imahinasyon. Dapat ay may tatag ng loob, sipag at tiyaga para sa inaasam na tagumpay.

Upang ang iyong mga pangarap at mga balak ay matupad ay dapat panatilihin ang alab ng pagasa at layunin. Alam nating lahat na ang buhay ng isang tao ay hindi lamang kaginhawahan. Hindi sapat ito upang tayo ay magsawa ng pagpupursige..Huwag gayahin ang iba na madaling panghinaan ng loob, Madaling sumuko. Ngunit tandaan mo, ikaw ang higit na nakakikilala sa iyong sarili. Magagawa mo ito sapagkat ikaw ay naiiba.

Maaaring may oras na pinanghihinaan ka ng loob, ngunit magpatuloy ka, magtiwala sa sarili. Ikaw ay maraming katangian, marunong ka at marami kang kaalaman

Mamili ka. Magtitiyaga ka ba o hihinto ka na?  

Sanggunian:

The Power of Endurance, W.C. Tapalla Women’s Home Companion (26):39

By: MEL KATHLYN CAREL BASILIO | T-III | BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL, City of Balanga, Bataan