GURO, PAPAANO KA MAGTANONG SA MGA TALAKAYAN SA KLASRUM?

Sinasabi ng mga resulta ng ilang mga pananaliksik na mas mabuti daw ang gumamit ng dulog na Activity-Based  kaysa sa mga estratehiya na tradisyunal, o kung minsan ay tinatawag ding “Chalk and Talk” Approach.   Mas nalilibang daw at nagiging kawili-wili para sa mga mag-aaral kung sila mismo ang gagawa sa mga gawain upang lalo nilang…


Sinasabi ng mga resulta ng ilang mga pananaliksik na mas mabuti daw ang gumamit ng dulog na Activity-Based  kaysa sa mga estratehiya na tradisyunal, o kung minsan ay tinatawag ding “Chalk and Talk” Approach.   Mas nalilibang daw at nagiging kawili-wili para sa mga mag-aaral kung sila mismo ang gagawa sa mga gawain upang lalo nilang maunawaan ang mga konsepto ng aralin.

            Ngunit para sa iba makabago man o tradisyunal ang estratehiyang gagamitin ng guro ay hindi maiiwasan na sila ay magbigay ng mga katanungan sa mga mag-aaral bilang bahagi ng talakayan.

            Subalit kadalasan ay hindi agad maunawaan ng mga mag-aaral ang katanungan ng mga guro. Madalas na eksena sa loob ng silid-aralan ang nakasimangot na mukha ng guro kapag ang kanyang katanungan ay hindi nasagot ng maayos o tama ng isang mag-aaral.  Naitanong naman ba ng guro sa kanyang sarili kung bakit?   Maaaring ilan sa mga kasagutan ay; hindi nagbasa o nag-aral ng leksiyon ang mag-aaral, maaari din namang hindi interesado ang bata sa paksang tinatalakay, possible din na maingay ang mga kamag-aral at ang kapaligiran, higit sa lahat, baka hindi naunawaan ang binitawang katanungan.

            Ang sabi ni Corpuz at Salandanan (2007) may dalawang uri ng katanungan para sa mga mag-aaral. Ang una ay ang low-level questions, na nangngailangan din ng mga kasagutang low-level.  Kaaramihan sa mga tanong na ganito ay nahahanay sa recall.  Halimbawa:  Saang lugar matatagpuan ang 8th wonder of the world?  Sa anong paraan ang naging kamatayan ng ating pambansang bayani? Anong taon naganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Ang ikalawang uri ay ang high-level questions, kailangang may mataas na antas ng pag-iisip ang mga mag-aaral na tatawagin upang sumagot sa ganitong mga katanungan. Halimbawa: Bakit nagkakaroon ng high tide at low tide? Ipaliwanag ang Climate Change.

            Maraming dahilan kung bakit di –makasagot ang mag-aaral sa tanong ng guro.  Batay sa

 mga komento at reaksyon ng mga guro sa paksang ito, ang mga sumusunod ang mga naitala nilang dahilan kung bakit di makasagot ang karamihan sa mga mag-aaral sa katanungan ng guro:  Kadalasan ang mga  katanungang high-level ay nagsisimula sa mga salitang Bakit, Ipaliwanag o Papaano?   Kung ganoon, papaano pa mapauunlad ng isang guro ang kanyang pagtatanong sa mga mag-aaral?

            Unang-una, dapat na pag-aralan o analisahin ang sariling istilo ng pagtatanong ng guro sa pagbibigay ng mga katanungan.  Maaari niyang imbitahan ang kapuwa guro sa team teaching upang siyang magbigay ng puna tungkol sa mga sumusunod: Uri ng Katanungan na madalas itanong, Oras na itinatagal sa paghihintay ng kasagutan mula sa mga mag-aaral,Dami ng tanong na ibinigay ayon sa uri, low or high level questions.Uri ng mga kasagutan na ibinibigay ng mga mag-aaral,  Bilang ng mga batang tinatawag para sumagot ng mga katanungan, Pagbibigay papuri sa mga batang nakasasagot sa mga katanungan.

            Kaya, mga mahal kong kapuwa guro, ano pa ang hinihintay natin, bakit hindi natin pag-aralan kung papaano ang sining ng tamang pagtatanong sa mga mag-aaral sa mga talakayan?

Sanggunian:

Brenda Corpuz & Gloria Salandanan.  Questioning and Reacting Techniques. Principles            of  Teaching I. Lorimar Publishing Inc.Quezon City.( 2007)

By: Mel Kathlyn C. Basilio | T-III | BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL City of Balanga, Bataan