Guro Sa New Normal

Sa mga kapwa ko guro sa kagawaran Sa mga gawain na sa atin ay nakalaan Alalahanin ay iaalis sa ating isipan Gumawa lang tayo ng may kasiyahan. Kapag pagod pahinga ang kailangan Kung nahihirapan ikaw ay tutulungan Kapwa nating guro sila ay andiyan naman Upang ikaw ay abutin at alalayan. Sa sitwasyong meron tayo ngayon…


Sa mga kapwa ko guro sa kagawaran
Sa mga gawain na sa atin ay nakalaan
Alalahanin ay iaalis sa ating isipan
Gumawa lang tayo ng may kasiyahan.

Kapag pagod pahinga ang kailangan
Kung nahihirapan ikaw ay tutulungan
Kapwa nating guro sila ay andiyan naman
Upang ikaw ay abutin at alalayan.

Sa sitwasyong meron tayo ngayon
Sakripisyo ng bawat isa ang tugon
Upang maisakatuparan ang ating misyon
Para sa edukasyon ng bawat bata sa nayon.

Kaya tayong mga magigiting na kaguruan
Huwag paghinaan ng isipan at kalooban
Palakasin ang isa’t isa at magtulungan
At lahat ng ito ay ating mapagtatagumpayan.

By: Jenny C. Salaveria | Teacher I | Bataan National High School