Halos walong taon na ng simulang ipatupad ang Gurong Iskolar ng Bataan na naglalayong magkaroon ng kaagapay sa pag-aaral sa Graduate School ang mga ulirang guro sa ating lalawigan. Ang programang ito ay naisakatuparan sa pangunguna ng dating Gobernador Enrique Tet Garcia at ipinagpapatuloy ng bagong halal na Gobernador Albert Abet Garcia.
Nagsimula ang programa para sa mga magsisipag-aaral ng Masters Degree noong 2005 na mayroong 143 na mga mag-aaral at noong 2010 naman para sa mga mag-aaral ng Doctoral. Sa kasalukuyan ay mayroon ng humigit 379 na nakatanggap ng scholarship sa Masteral at humigit 60 sa Doctoral.
Malaking tulong ang programang ito ng sa mga guro higit sa lahat sa pinansyal na pangangailangan sa pag-aaaral. Nakakatanggap ang mga mag-aaral ng full scholarship grant hanggang makatapos ito ng academic requirement at dalawamput dalawang libong piso sa thesis writing. Dahil sa magandang layunin ng Gurong Iskolar at sa pag-agapay ng mga mahuhusay na tagapamahala ng lalawigan ay lalong dumarami ang mga bilang ng mga guro na interesadong maging bahagi ng programa at makapagtapos na makakatulong sa kanilang propesyonal at personal na pag-unlad.
By: Elvis Trinidad Malang | Teacher II | Pablo Roman National High School | Pilar, Bataan