Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo di lamang dahil sa larangan ng boksing, pagkain, o magagandang tanawin, kilala din sila sa larangan ng edukasyon. Bagama’t di sila “Native Speakers” ng Ingles maraming banyaga ang tumatangkilik sa kanilang husay at galing. Kung ikukumpara natin ang mga Amerikano na syang mga katutubong nagsasalita ng wikang Ingles at mga Pilipino, kung pagbabasihan ang tatas at ang mga gramatika ay mas naiintindihan ang mga Pilipino, mas tama kumbaga. Ang mga gurong pilipino ay tinatangkilik sa ibang bansa di lamang dahil sa galing nila kundi dahil na din sa kanilang puso sa paglilingkod at pagmamalasakit sa kapwa, maging ito man ay kababayan o mga banyaga. Madaming ulat ang nagpapatotoo sa kahusaang taglay ng mga gurong Pilipino. Dahil sa laki ng sahod ang ating mga bagong bayani ay pinipiling maglingkod sa mga banyaga upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya gayon din ang makamit ang kanilang mga pangarap. Kapalit nito ay ang kanilang buong pusong paglilingkod. Ang paglilingkod ng mga gurong Pilipino ay di lamang dahil sa kanilang sahod, kasama sa kanilang paglilingkod ang kanilang puso at isip. Kaya hindi nakakagulat na maraming banyaga ang tumatangkilik sa mga guro mula sa Pilipinas.
By: Rosario P. Dasig| T-III | Balanga Elementary School |Balanga City, Bataan