HABANG INUUNAT, LALONG BUMABALUKTOT

Natutuwa ako sa nakikita kong unti-unting pagbabago. Pagbabagong iniaangat ang dignidad ng bawat isa. Pagbabago na ang hangad ay para sa ikabubuti ng lahat. Pagbabago para sa kaligtasan. Pagbabago na nararapat. Ngunit sa kabila nito, marami talaga ang maninibago. Marami ang tataas ang kilay. Marami ang magiging bulung-bulungan. Marami ang kakalaban dahil sa pagbubulag-bulagan. Lalong…


Natutuwa ako sa nakikita kong unti-unting pagbabago. Pagbabagong iniaangat ang dignidad ng bawat isa. Pagbabago na ang hangad ay para sa ikabubuti ng lahat. Pagbabago para sa kaligtasan. Pagbabago na nararapat.

Ngunit sa kabila nito, marami talaga ang maninibago. Marami ang tataas ang kilay. Marami ang magiging bulung-bulungan. Marami ang kakalaban dahil sa pagbubulag-bulagan.

Lalong lumalabas ang mga mag-aaral na kala mo ay walang pinag-aralan. Mga sungay na lalong nagsasanga-sanga. E unang-una, alam naman nila ang kanilang kamalian. Pinipilit na gawing mukhang tama ang alam namang mali. Mahilig manggatong at kumampi sa hindi tama.

Ingat lamang. Ang iyong ginagawa ay hindi mo lamang repleksyon. Bitbit mo iho/iha ang apelyido ng magulang mo. Aba! Kaunting kahihiyan at kauniting kapinuhan.

Ito ay aking opinyon lamang. Kapayapaan!

By: Mr. Jayremiah C. Gallardo | Teache I | Bataan NAtional HIgh School | Ba;anga City, Bataan


Previous
Next