Sa simula, halos ako’y di makapaniwala.
Sa naririnig ko’t nababasa, ako’y lubos na nabahala.
Buong mundo’y balisa, madlang pipol ay taranta.
Anong nangyayari? Diyos ko, ikaw na po ang bahala.
Naglunsad ng digmaan, lubhang mapanganib.
Pagkat ang kalaban, kaylan ma’y di masisilip
Kumikitil ng buhay, kahit pinto’y nakapinid
Ang mundo ng tao, sa isang iglap ay sumikip.
Kakaibang korona , itong nakaniig
Koronang tahimik, ngunit mapanganib
Walang sinisino, walang pinipili
Takot ng balana’y hindi nalilingid.
Paarala’t opisina, agad pinasara
Mga mag-aaral, di na nag exam pa
Stay home ang utos sa bawat balana
Enhance community quarantine, pinatupad na.
Naging mahirap ito sa kapuso’t kapamilya
Ang mga may pera, nag panic buying na
Mga mahihirap nama’y umaasa sa ayuda
Bigay ng gobyerno, sa bawat pamilya.
Kakaibang giyera, itong kinakaharap
Mga doctor at narses, ang sundalo ng bayan
Ang sandata’y PPE, face mask, herengilya
Kasama ang hirap,pagod, puyat at dusa.
Mga frontliners, nagpakita ng dedikasyon
Upang mamamayan, mabigyan ng proteksyon.
Hindi matumbasan ang sakrapisyo’t serbisyo
Ng pera’t salapi, kahit pa rebulto.
Marahil hindi sapat, ang salamat at saludo
Para matumbasan, inyong serbisyo publiko
Kasama kayo sa dasal ko bawat minuto
Maging ligtas kayo sa covid 19 na ito.
Nais ko lamang pong ipabatid sa inyo
Hindi kayo nag-iisa sa laban na ito.
Kasama kaming haharap sa pagsubok na ito.
Lalaban po tayo, sabay sabay tayo.
By: Willia C. Bacsal | Master Teacher I | Olongapo City National High School | Olongapo City