HALAMAN SA PAARALAN

Ano ang benepisyo ng halaman sa paaralan? Mayroon ng aba itong tulong sa mga mag-aaral? Ilan lamang ito sa mga katanungan ng guro, mag-aaral at magulang.  Halos lahat ng paaralan sa buong Pilipinas ay nagkakaroon ng ganitong programa, maaaring iniiba lamang ang pamagat ng mga programa ukol sa halaman sa paaralan pero ang diwa ay…


Ano ang benepisyo ng halaman sa paaralan? Mayroon ng aba itong tulong sa mga mag-aaral? Ilan lamang ito sa mga katanungan ng guro, mag-aaral at magulang.  Halos lahat ng paaralan sa buong Pilipinas ay nagkakaroon ng ganitong programa, maaaring iniiba lamang ang pamagat ng mga programa ukol sa halaman sa paaralan pero ang diwa ay iisa.

Ilan sa nakikita nating benepisyo ng halaman sa paaralan ay sa pamamagitan ng Feeding Program na maaring gawin sa paaralan o kahit sa loob ng tahanan. Isa sa mga nagiging problema ng mga bata sa loob ng paaralan ay ang kakulangan ng sustansya at bitamina na nagiging sanhi ng pagbaba ng kanilang grado.

Ang bawat eskwelahan sa buong Pilipinas ay nagkakaroon ng mga datos sa pamamagitan ng pagtitimbang at marami sa mga mag-aaral ngayon ang lumalabas na malnourished at severely wasted na nagiging dahilan ng kanilang pagiging sakitin na nagiging hadlang sa pagpasok nila sa paaralan araw-araw.

Ang Kagawaran ng Edukasyon ay katuwang ang ating pamahalaan upang ma address ang suliranin na ito sa ating eskwelahan kaya nag lunsad ng ibat-ibang programa na magiging malaking tulong sa ating mga mag-aaral.

Dapat natin tandaan na ang halamang luntian sa paaralan ay magbibigay sustansiya sa ating katawan.

 

 

 

 

 

 

By: Mary Ann D. Vasquez | Teacher I| Cupang Integrated School |Balanga City, Bataan